عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«قَالَ اللَّهُ: كُلُّ عَمَلِ ابْنِ آدَمَ لَهُ، إِلَّا الصِّيَامَ، فَإِنَّهُ لِي وَأَنَا أَجْزِي بِهِ، وَالصِّيَامُ جُنَّةٌ، وَإِذَا كَانَ يَوْمُ صَوْمِ أَحَدِكُمْ فَلاَ يَرْفُثْ وَلاَ يَصْخَبْ، فَإِنْ سَابَّهُ أَحَدٌ أَوْ قَاتَلَهُ، فَلْيَقُلْ إِنِّي امْرُؤٌ صَائِمٌ، وَالَّذِي نَفْسُ مُحَمَّدٍ بِيَدِهِ، لَخُلُوفُ فَمِ الصَّائِمِ أَطْيَبُ عِنْدَ اللَّهِ مِنْ رِيحِ المِسْكِ، لِلصَّائِمِ فَرْحَتَانِ يَفْرَحُهُمَا: إِذَا أَفْطَرَ فَرِحَ، وَإِذَا لَقِيَ رَبَّهُ فَرِحَ بِصَوْمِهِ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 1904]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): "Ang bawat gawain ng anak ni Adan ay para sa kanya maliban sa pag-aayuno sapagkat tunay na ito ay para sa Akin at Ako ay gaganti sa Kanya." Ang pag-aayuno ay kalasag. Kapag araw ng pag-aayuno ng isa sa inyo, huwag siyang humalay at huwag siyang mag-ingay; saka kung nakipag-alipustaan sa kanya ang isa o nakipag-away ito sa kanya, magsabi siya: "Tunay na ako ay nag-aayuno." Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, talagang ang amoy ng bibig ng tagapag-ayuno ay higit na mabango sa ganang kay Allāh kaysa sa halimuyak ng musk. Ang tagapag-ayuno ay may dalawang tuwa, na natutuwa siya sa dalawang ito: kapag tumigil-ayuno siya, matutuwa siya; at kapag nakipagkita siya sa Panginoon niya, matutuwa siya dahil sa pag-aayuno niya.}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 1904]
Nagpabatid ang Propeta (s) na si Allah (t) ay nagsasabi sa banal na hadith:
"Ang bawat gawain ng anak ni Adan ay pinag-iibayo ang magandang gawa katumbas ng sampung tulad nito hanggang sa pitong daang ibayo maliban sa pag-aayuno sapagkat tunay na ito ay para sa Akin yayamang hindi naganap dito ang pagpapakitang-tao at Ako ay gaganti sa Kanya." Namukod-tangi si Allah sa kaalaman sa sukat ng gantimpala Niya at pagpapaibayo ng [gantimpala sa] mga magandang gawa ng tao.
Pagkatapos nagsabi siya: "Ang pag-aayuno ay kalasag," pananggalang, panakip, at muog na matibay laban sa Impiyerno dahil ito ay pagpigil sa mga pagnanasa at pagkasadlak sa mga kasalanan. Ang Impiyerno ay napaliligiran ng mga pagnanasa.
"Kapag araw ng pag-aayuno ng isa sa inyo, huwag siyang humalay" sa pamamagitan ng pakikipagtalik at mga pauna nito ni ng mahalay na pananalita, nang walang pasubali.
"at huwag siyang mag-ingay" sa pamamagitan ng pakikipag-alitan at pagsigaw.
"saka kung nakipag-alipustaan sa kanya ang isa o nakipag-away ito sa kanya," sa Ramaḍān, "magsabi siya: Tunay na ako ay nag-aayuno." nang harinawa ito ay magpipigil niyon ngunit kung ipinagpilitan nito ang pakikipag-away nang totohanan, ang pagsanggalang dito ay sa pamamagitan ng pinakamagaan saka ng pinakamagaan pa, gaya ng sumusugod.
Pagkatapos sumumpa ang Propeta (s) at nanumpa siya sa Kanya na ang kaluluwa niya ay nasa kamay Niya, na ang amoy ng bibig ng tagapag-ayuno dahilan sa pag-aayuno ay higit na mabango sa ganang kay Allāh sa Araw ng Pagbangon kaysa sa halimuyak ng musk sa ganang kanila at higit na marami sa gantimpala kaysa sa iminumungkahing paggamit ng musk sa pagtitipon at mga sesyon ng pagsambit ng dhikr.
"Ang tagapag-ayuno ay may dalawang tuwa, na natutuwa siya sa dalawang ito: kapag tumigil-ayuno siya, matutuwa siya;" dahil sa pagkatigil-ayuno niya dahil sa paglaho ng gutom niya at uhaw niya yayamang pinayagan sa kanya ang pagtigil-ayuno. Natuwa siya dahil sa pagkalubos ng ayuno niya, pagkawakas ng pagsamba niya, pagpapagaan mula sa Panginoon niya, at tulong sa hinaharap ng pag-aayuno niya.
"at kapag nakipagkita siya sa Panginoon niya, matutuwa siya dahil sa pag-aayuno niya" dahil sa ganti sa kanya at gantimpala sa kanya.