+ -

عَن عَبْدِ اللَّهِ بنِ مَسْعُودٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ: كُنَّا مَعَ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، فَقَالَ:
«مَنِ اسْتَطَاعَ البَاءَةَ فَلْيَتَزَوَّجْ، فَإِنَّهُ أَغَضُّ لِلْبَصَرِ، وَأَحْصَنُ لِلْفَرْجِ، وَمَنْ لَمْ يَسْتَطِعْ فَعَلَيْهِ بِالصَّوْمِ، فَإِنَّهُ لَهُ وِجَاءٌ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 1905]
المزيــد ...

Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kami minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi siya:
"Ang sinumang makakakaya sa pagpapamilya ay mag-asawa siya sapagkat tunay na ito ay higit na pumipigil sa [bawal na] tingin at higit na nangangalaga sa ari. Ang sinumang hindi makakakaya, kailangan sa kanya ang pag-aayuno sapagkat tunay na ito para sa kanya ay pampigil."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 1905]

Ang pagpapaliwanag

Humimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang nakakakaya sa pakikipagtalik at mga gugulin ng pagpapakasal na mag-asawa sapagkat tunay na ito ay higit na mapag-ingat sa paningin niya laban sa bawal at higit na matindi sa pangangalaga ng kalinisang-puri ng ari niya bilang pagpigil sa pagkakasadlak sa mahalay. Ang sinumang hindi nakakakaya sa mga gugulin ng pagpapakasal samantalang siya ay nakakakaya sa pakikipagtalik, maaari sa kanya ang mag-ayuno sapagkat tunay na ito ay pumuputol sa pagnanasa ng ari.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Thailand Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية الرومانية Luqadda malgaashka
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagsisigasig ng Islām sa mga kadahilanan ng kalinisang-puri at kaligtasan mula sa mga mahalay.
  2. Humimok siya sa sinumang hindi nakakakaya sa paggugol sa kasal na mag-ayuno dahil ito ay nagpapahina sa pagnanasa.
  3. Ang punto ng pagwawangis ng pag-aayuno sa pampigil ay dahil ang pampigil ay pagdurog ng mga ugat ng testis kaya naaalis dahil sa pagkaalis nito ang pagnanasa sa pakikipagtalik. Gayundin ang pag-aayuno sapagkat ito ay tagapagpahina sa pagnanasa sa pakikipagtalik.
Ang karagdagan