+ -

عن أبي خبيب -بضم الخاء المعجمة- عبد الله بن الزبير رضي الله عنهما ، قال: لما وقف الزبير يوم الجمل دعاني فقمت إلى جنبه، فقال: يا بني، إِنَّهُ لاَ يُقْتَلُ اليوم إلا ظالم أو مظلوم، وإني لا أُرَانِى إلا سأقتل اليوم مظلوما، وإن من أكبر همي لديني، أفترى دَيْنَنَا يُبقي من مَالِنا شيئا؟ ثم قال: يا بني، بِعْ مَا لَنا واقض ديني، وأوصى بالثلث وثلثه لبنيه، يعني لبني عبد الله بن الزبير ثلث الثلث. قال: فإن فَضَلَ من مَالِنَا بعد قضاء الدين شيء فثلثه لبنيك. قال هشام: وكان بعض ولد عبد الله قد وَازَى بعض بني الزبير خُبَيْبٌ وعَبَّادٌ، وله يومئذ تسعة بنين وتسع بنات. قال عبد الله: فجعل يوصيني بدينه ويقول: يا بني، إن عجزت عن شيء منه فاستعن عليه بمولاي. قال: فوالله ما دريت ما أراد حتى قلت: يا أبت من مولاك؟ قال: الله. قال: فوالله ما وقعت في كربة من دينه إلا قلت: يا مولى الزبير اقض عنه دينه فيقضيه. قال: فقتل الزبير ولم يَدَع دينارا ولا درهما إلا أَرَضِينَ ، منها الغابة وإحدى عشرة دارا بالمدينة، ودارين بالبصرة، ودارا بالكوفة، ودارا بمصر. قال: وإنما كان دينه الذي كان عليه أن الرجل كان يأتيه بالمال، فيستودعه إياه، فيقول الزبير: لا، ولكن هو سلف إني أخشى عليه الضَّيْعَةَ ،وما ولي إمارة قط ولا جباية ولا خراجا ولا شيئا إلا أن يكون في غزو مع رسول الله صلى الله عليه وسلم أو مع أبي بكر وعمر وعثمان رضي الله عنهم قال عبد الله: فحسبت ما كان عليه من الدين فوجدته ألفي ألف ومئتي ألف! فلقي حكيم بن حزام عبد الله بن الزبير، فقال: يا ابن أخي، كم على أخي من الدين؟ فكتمته وقلت: مائة ألف. فقال حكيم: والله ما أرى أموالكم تسع هذه. فقال عبد الله: أرأيتك إن كانت ألفي ألف ومئتي ألف؟ قال: ما أراكم تطيقون هذا، فإن عجزتم عن شيء منه فاستعينوا بي، قال: وكان الزبير قد اشترى الغابة بسبعين ومئة ألف، فباعها عبد الله بألف ألف وستمئة ألف، ثم قام فقال: من كان له على الزبير شيء فليوافنا بالغابة، فأتاه عبد الله بن جعفر، وكان له على الزبير أربعمئة ألف، فقال لعبد الله: إن شئتم تركتها لكم؟ قال عبد الله: لا، قال: فإن شئتم جعلتموها فيما تؤخرون إن إخرتم، فقال عبد الله: لا، قال: فاقطعوا لي قطعة، قال عبد الله: لك من هاهنا إلى هاهنا. فباع عبد الله منها فقضى عنه دينه وأوفاه، وبقي منها أربعة أسهم ونصف، فقدم على معاوية وعنده عمرو بن عثمان، والمنذر بن الزبير، وابن زَمْعَةَ ، فقال له معاوية: كم قُوِّمَتِ الغابة؟ قال: كل سهم بمئة ألف، قال: كم بقي منها؟ قال: أربعة أسهم ونصف، فقال المنذر بن الزبير: قد أخذت منها سهما بمئة ألف، قال عمرو بن عثمان: قد أخذت منها سهما بمئة ألف. وقال ابن زمعة: قد أخذت سهما بمئة ألف، فقال معاوية: كم بقي منها؟ قال: سهم ونصف سهم، قال: قد أخذته بخمسين ومئة ألف. قال: وباع عبد الله بن جعفر نصيبه من معاوية بستمئة ألف، فلما فرغ ابن الزبير من قضاء دينه، قال بنو الزبير: اقسم بيننا ميراثنا، قال: والله لا أقسم بينكم حتى أنادي بالموسم أربع سنين: ألا من كان له على الزبير دين فليأتنا فلنقضه. فجعل كل سنة ينادي في الموسم، فلما مضى أربع سنين قسم بينهم ودفع الثلث. وكان للزبير أربع نسوة، فأصاب كل امرأة ألف ألف ومئتا ألف، فجميع ماله خمسون ألف ألف ومئتا ألف.
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Khubayb `Abdillāh bin Az-Zubayr, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, na nagsabi: Noong tumindig si Az-Zubayr nang Araw ng Kamelyo, tinawag niya ako at naupo ako sa tabi niya. Nagsabi siya: "O anak ko, tunay na walang mapapatay ngayong araw malibang bilang nang-aapi o naaapi. Tunay na ako ay walang nakikita sa sarili ko malibang mapapatay ako ngayong araw bilang naaapi. Tunay na kabilang sa pinakamalaki sa alalahanin ko ay ukol sa utang ko. Sa tingin mo ba ang utang natin ay magtitira pa ng anuman mula sa ari-arian natin?" Pagkatapos ay nagsabi siya: "Anak ko, ipagbili mo ang mayroon tayo at bayaran mo ang utang ko." Ihinabilin niya ang isang katlo at ang isang katlo nito para sa mga anak niya. Nangangahulugan ito: Para sa mga anak ni `Abdullāh bin Az-Zubayr ang isang katlo ng isang katlo. Nagsabi siya: "Kapag may anumang natira sa ari-arian natin matapos magbayad ng utang, ang isang katlo nito ay para sa mga anak mo." Nagsabi si Hishām: "Ang ilan sa mga anak ni `Abdullāh ay nakaedad ng ilan sa mga anak ni Az-Zubayr na sina Khubayb at `Abbād. Nang araw na iyon, mayroon siyang siyam na anak na lalaki at siyam na anak na babae." Nagsabi si `Abdullāh: "Kaya nagsimula siyang magtagubilin sa akin hinggil sa utang niya at nagsasabi: O anak ko, kung nabigo kang makapagbayad sa anuman sa mga ito, magpatulong ka para roon sa amo ko." Nagsabi siya: "Kaya sumpa man kay Allāh, hindi ko nalaman ang ninais niya hanggang sa nagsabi ako: Ama ko, sino ang amo mo?" Nagsabi ito: "Si Allāh." Nagsabi siya: "Kaya sumpa man kaya Allāh, kapag nasadlak ako sa isang pighati dahil sa utang, nagsasabi ako: O Amo ni Az-Zubayr, bayaran Mo para sa kanya ang utang niya, at binabayaran naman Niya ito." Nagsabi siya: "At napatay si Az-Zubayr at wala siyang naiwang dinar ni dirham maliban sa dalawang lupain. Kabilang sa mga ito ang Al-Ghābah, ang labing-isang bahay sa Madīnah, ang dalawang bahay sa Baṣrah, ang isang bahay sa Kūfah, at ang isang bahay sa Ehipto." Nagsabi siya: "Nangyari lamang ang pagkakautang niya na pananagutan niya dahil may lalaking nagdadala noon sa kanya ng salapi at ipinalalagak sa kanya. Nagsasabi si Az-Zubayr: Huwag [mong ilagak] malibang ito ay isang pautang; tunay na kinatatakutan ko rito ang pagkawala." Hindi siya pinanungkulan bilang gobernador ni tagakalap ng zakāh ni tagasingil ng buwis ni anuman ngunit [lumahok siya] sa paglusob kasama ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, o kasama nina Abū Bakr, `Umar, at `Uthmān, malugod si Allāh sa kanila. Nagsabi si `Abdullāh: "Kaya binilang ko ang babayaran niyang utang at natuklasan kong ito ay dalawang milyon at dalawandaang libo!" Nakatagpo ni Ḥakīm bin Ḥizām si `Abdullāh bin Az-Zubayr, at nagsabi: "O anak ng kapatid ko, magkano ang babayarang utang ng kapatid ko?" Inilihim ko ito at sinabi ko: "Isandaang libo." Nagsabi si Ḥakīm: "Sumpa man kay Allāh, hindi ko naiisip na ang mga ari-arian ninyo ay sasapat dito." Nagsabi si `Abdullāh, malugod si Allāh sa kanya: "Ano ang iisipin mo kung ito ay dalawang milyon at dalawandaang libong?" Nagsabi siya: "Hindi ko naiisip na kayo ay makakakaya nito. Kaya kung nabigo kayong makabayad sa anuman mula rito, magpatulong kayo sa akin." Nagsabi siya: "Nabili na noon ni Az-Zubayr ng isandaan at pitumpong libo ang Al-Ghābah, at ipinagbili naman ito ni `Abdullāh ng isang milyon at anim na raang libo." Pagkatapos ay tumindig siya at nagsabi: "Ang sinumang may sisingilin kay Az-Zubayr na anuman ay makipag-ugnayan sa amin sa Al-Ghābah." Kaya pinuntahan siya ni `Abdullāh bin Ja`far, na sisingilin kay Az-Zubayr na apat na raang libo, at nagsabi kay `Abdullāh [bin Az-Zubayr]: "Kung nais ninyo hahayaan ko na ito para sa inyo." Nagsabi naman si `Abdullāh: "Huwag." Nagsabi ito: "At kung nais ninyo, ilagay ninyo ito sa bayaring ipinagpapaliban kung ipagpapaliban ninyo." Kaya nagsabi si `Abdullāh: "Huwag." Nagsabi ito: "Kaya magbahagi kayo sa akin ng isang bahagi [ng lupain]." Nagsabi si `Abdullāh: "Ukol sa iyo ay mula rito hanggang diyan." Nagbenta si `Abdullāh ng isang bahagi nito at nabayaran niya dahil rito ang utang niya nang lubusan. May natirang apat at kalahating parte mula roon. Pumunta siya kay Mu`āwiyah samantalang kasama nito sina `Amr bin `Uthmān, Al-Mundhir bin Az-Zubayr, at Ibnu Zam`ah. Nagsabi sa kanya si Mu`āwiyah: "Magkano mo tinaya ang Al-Ghābah?" Nagsabi siya: "Ang bawat parte ay isang daang libo." Nagsabi si `Amr bin `Uthmān: "Kukuha na ako mula rito ng isang parte sa halagang isang daang libo." Nagsabi si Ibnu Zam`ah: "Kukuha na ako mula rito ng isang parte sa halagang isang daang libo." Nagsabi si Mu`āwiyah: "Ilan ang natira mula rito?" Nagsabi siya: "Isa at kalahating parte." Nagsabi ito: "Kukunin ko na ito sa halagang isang daan at limampung libo." Sinabi: Ipinagbili ni `Abdullāh bin Ja`far ang bahagi niya kay Mu`āwiyah sa halagang anim na raang libo. Kaya noong natapos si Ibnu Az-Zubayr sa pagbayad ng utang nito, nagsabi ang mga anak ni Az-Zubayr: "Hatiin mo sa amin ang pamamana sa amin." Nagsabi siya: "Sumpa man kay Allāh, hindi ko hahatiin sa inyo hanggang sa makapanawagan ko sa ḥajj nang apat na taon [ng ganito]: Makinig, ang sinumang may sisingilin kay Az-Zubayr na pautang ay pumunta sa amin at bayaran namin siya." Kaya nagsimula siya, bawat taon, na manawagan sa ḥajj. Noong lumipas na ang apat na taon, hinati niya sa kanila at ibinigay ang isang katlong habilin. Si Az-Zubayr ay may apat na maybahay at nagkamit ang bawat maybahay ng isang milyon at dalawang daang libo. Ang kabuuan ng yaman niya ay limampung milyon at dalawang daang libo.
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

Ang pagpapaliwanag

Nagsabi si Az-Zubayr bin Al-`Awām, malugod si Allāh sa kanya, sa anak niyang si `Abdullāh noong Araw ng Kamelyo, isang labanang naganap dahil sa pagsusuko sa mga pumatay kay `Uthmān: "Wala akong nakikita sa sarili ko malibang bilang isang martir o isang naaapi. Tunay na ang bumabagabag sa akin ay ang mga utang ko na nagpabigat sa akin kaya bayaran mo ang mga ito para sa akin." Ang mga utang niya ay nakaapekto sa buong ari-arian niya ngunit sa kabila niyon ay nagtagubilin siya ng salapi para sa mga anak ng anak niya dahil siya ay nakaaalam na sila ay walang bahagi sa mamanahin dahil ang anak niya ay buhay pa. Nagtalaga siya para sa kanila ng ikatlong bahagi ng ikatlong bahagi ng tagubilin at ikasiyam na bahagi ng lahat. Ang mga tao noon ay nagpapalagak ng mga salapi nila sa kanya at natatakot siyang kunin ang mga ito bilang isang lagak dahil sa pangambang mawala. Nagsasabi siya: "Hindi iyan isang lagak bagkus iyan ay isang pautang na babayaran ko." Siya ay isang lalaking malayo sa kamunduhan at mapagkakatiwalaan. Hindi siya nanungkulan bilang isang gobernador ni maging anuman. Noong yumao siya at nabayaran para sa kanya ng mga anak niya ang mga utang niya at may natira mula sa yaman niya, hiniling ng mga tagapagmana niya kay `Abdullāh na hatiin ito sa kanila. Tumanggi si `Abdullāh na gawin ito malibang matapos manawagan sa panahon ng ḥajj. Kung lumitaw na walang natirang isa mang kabilang sa may pautang kay Az-Zubayr, hahatiin ito ni `Abdullāh sa kanila. Yayamang walang anumang natira sa utang niya na hindi nabayaran, ibinigay niya ang ikawalong bahagi sa mga maybahay nito. Iyon ang parte nila mula sa naiwan niya. Nang araw na iyon, siya ay may apat na maybahay.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano
Paglalahad ng mga salin