عن أبي موسى الأشعري - رضي الله عنه- قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «من صلى البَرْدَيْنِ دخل الجنة».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang [laging] nagdarasal sa dalawang malamig na oras ay papasok sa Paraiso." (Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn)
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang kahulugan ng ḥadīth na ito: Na ang pananatili sa dalawang dasal na ito ay kabilang sa mga dahilan ng pagpasok sa Paraiso. Ang tinutukoy ay ang mga dasal na fajr at `aṣr. Nagpapatunay doon ang sabi niya sa ḥadīth ayon kay Jurayr: "Ang dasala bago sumikat ang araw at bago lumubog ito." Naidagdag sa sanaysay ni Muslim: ang `aṣr at ang fajr. Pagkatapos ay binigkas ni Jurayr: "at magluwalhati ka kasabay ng pagpupuri sa Panginoon mo bago sumikat ang araw at bago lumubog;" (Qur'an 50:39) Tinawag na "dalawang malamig na oras" dahil ang dalawang ito ay dinadasal sa dalawang malamig na oras ng maghapon: ang dalawang dulo nito kapag gumaganda ang hangin at umaalis ang tindi ng araw. May nasaad nga na maraming ḥadīth na nagpapatunay sa kalamangan ng dalawang dasal na ito. Kabilang doon ang isinaysay ayon kay `Umārah bin Ru’aybah, ayon sa ama niya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Hindi papasok sa Impiyerno ang isang taong nagdasal bago sumikat ang araw at bago lumubog ito." Isinaysay ito ni Muslim. Ang anyo ng pagtatangi rito sa pagbanggit ay na ang oras ng fajr ay sa sandali ng pagtulog at kasarapan nito at ang oras ng `aṣr sa sandali ng pagpapakaabala sa mga pagpapatuloy ng mga gawain at kalakalan sa maghapon. Ang pagdarasal ng dalawang ito sa kabila niyon ay patunay sa kadalisayan ng kaluluwa sa katamaran at pag-ibig nito sa pagsamba. Kinakailangan doon ang pagsasagawa ng lahat ng iba pang mga pagdarasal. Kapag pinangalagaan ang dalawang dasal na ito, magiging higit na matindi ang pangangalaga sa iba pa sa mga ito. Ang paglimita sa pagbanggit sa dalawang ito ay hindi nagpapahiwatig na ang sinumang naglimita sa dalawang ito, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng dalawang dasal na ito na hindi kasama ang nalalabi sa limang dasal, ay nakatupad doon dahil iyon salungat sa Qur'an at Sunnah. Ang sabi niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Ang sinumang [laging] nagdarasal sa dalawang malamig na oras" ay nangangahulugang nagdasal ng mga ito sa paraang ipinag-utos niya. Iyon ay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga ito sa oras. Kapag kabilang sa mga dumadalo sa kongregasyon gaya ng mga lalaki, isagawa nga dalawang ito sa kongregasyon dahil ang kongregasyon ay isinatungkulin at hindi ipinahihintulot sa isang lalaki na iwan ang pagdarasal sa kongregasyon sa masjid samantalang siya ay nakakakaya niyon.