عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«مَنْ نَسِيَ وَهُوَ صَائِمٌ، فَأَكَلَ أَوْ شَرِبَ، فَلْيُتِمَّ صَوْمَهُ، فَإِنَّمَا أَطْعَمَهُ اللهُ وَسَقَاهُ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 1155]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang sinumang nakalimot habang siya ay nag-aayuno, kaya nakakain o nakainom, maglubos siya ng pag-aayuno niya sapagkat nagpakain lamang sa kanya si Allāh at nagpainom sa kanya."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 1155]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nakakain o nakainom habang nakalilimot samantalang siya ay nasa isang pag-aayunong tungkulin o kusang-loob, maglubos siya ng pag-aayuno niya at huwag siyang tumigil-ayuno dahil siya naman ay hindi nagpakay ng pagtigil-ayuno. Ito lamang ay isang panustos na inakay ni Allāh sa kanya, ipinakain sa kanya, at ipinainom sa kanya.