+ -

عن عبد الله بن عمر رضي الله عنهما قال: «نهى رسول الله صلى الله عليه وسلم عن الْوِصَالِ، قالوا: إنك تواصل؟ قال: إني لَسْتُ كَهَيْئَتِكُمْ، إني أُطْعَمُ وَأُسْقَى». وفي رواية أبي سعيد الخدري رضي الله عنه : «فَأَيُّكُمْ أراد أن يواصل فليواصل إلى السَّحَرِ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa.-Hadith na Marfu: ((Ipinagbawal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pagpapatuloy [ng pag-aayuno sa dalawang magkasunod na araw].Nagsabi sila: Tunay na ikaw ay nagpatuloy? Nagsabi siya: Ako ay hindi katulad sa katangian ninyo,Ako ay pinapakain at pinapainom)) ((Ang sinuman ang magnais na magpatuloy [ng pag-aayuno sa dalawang magkasunod na araw],magpatuloy ito hanggang sa [kainan] sa madaling araw))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ipinagbawal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga kasamahan niya ang pagpatuloy [ng pag-aayuno sa dalawang magkasunod na araw],bilang habag at awa sa kanila,Subalit ang mga kasamahan ng Propeta,dahil sa pag-ibig nila sa mga kainaman at pagsusumikap sa anumang [gawaing magiging dahilan] ng paglapit kay Allah,nasiyahan sila sa pagpapatuloy bilang paghuhuwaran sa Propeta-dahil sa pagpapatuloy niya,at nagsabi sila? Tunay na ikaw ay nagpapatuloy.Sinabi niya sa kanila na ,sa kanya ay may nagpapakain,na nagpapakain sa kanya,at nagpapa-inom na nagpapainom sa kanya,bilang pumapalit sa kanyang mga pagkain at inumin.Subalit kung sinuman sa inyo ang magnais na magpatuloy,nararapat sa kanya na magpatuloy hanggang sa [kainan] sa madaling araw.Ang Batas ng Islam ay pagpapatawad at magaan,walang pasakit at pagpapahirap rito,at walang paglalabis at pagpapa-ilalim,dahil ito ay pagpaparusa sa sarili at pagpapasakit sa kanya,at si Allah ay hindi nagbigay ng pasanin sa sinumang kaluluwa maliban sa ito`y kanyang makakayanan.At dahil ang pagpapagaan at pagpapadali ay higit na nanatili sa mga gawain at higit na kataggap-tanggap kaysa sa pagkapagod at pagka-inip.At napapaloob rito ang katarungan na inilagay ni Allah sa kalupaan.,ito ay ang ipagkaloob sa Allah ang anumang ipinag-utos Niya sa kanyang mga alipin,at ipagkaloob sa sarili ang anumang mga pangunahing pangangailangan nito

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa Portuges
Paglalahad ng mga salin