+ -

عن أنس بن مالك رضي الله عنه أن نفرًا من أصحاب النبي صلى الله عليه وسلم سألوا أزواج النبي صلى الله عليه وسلم عن عمله في السر؟ فقال بعضهم: لا أتزوج النساء. وقال بعضهم: لا آكل اللحم. وقال بعضهم: لا أنام على فراش. فبلغ ذلك النبي صلى الله عليه وسلم فحمد الله وأثنى عليه، وقال: «ما بال أقوام قالوا كذا؟ لكني أصلي وأنام وأصوم وأفطر، وأتزوج النساء؛ فمن رغب عن سنتي فليس مني».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, may isang pangkat ng mga Kasamahan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagtanong sa mga maybahay ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, tungkol sa gawain niya sa lihim [na kalagayan]. Nagsabi ang iba sa kanila: "Hindi ako makikipagtalik sa mga babae." Nagsabi ang ilan sa kanila: "Hindi ako kakain ng karne." Nagsabi ang iba pa sa kanila: "Hindi ako matutulog sa higaan." Nakaabot iyon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan kaya pumuri siya kay Allāh, nagbunyi, at nagsabi: "Ano ang isip ng mga taong nagsasabi ng ganito? Subalit ako ay nagdarasal, natutulog, nag-aayuno, tumitigil sa pag-aayuno, at nakikipagtalik sa mga babae. Ang sinumang umayaw sa sunnah ko ay hindi kabilang sa akin."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Itinayo ang Matayog na Batas ng Islām sa ibabaw ng kaluwagan, kadalian, at pagpapalugod sa mga kaluluwa sa pamamagitan ng mga kaaya-ayang bagay sa buhay at sa ibabaw ng pagkasuklam sa pabigat, kahigpitan, pahirap sa kaluluwa, at pagkakait dito ng mga mabubuting bagay sa Mundong ito. Dahil dito, tunay na may isang pangkat ng mga Kasamahan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na inudyukan ng pagkaibig sa kabutihan at pagkagusto rito na pumunta sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at magtanong tungkol sa gawain niya sa pribadong buhay na walang nakababatid bukod pa sa mga maybahay niya. Noong nalaman nila ito, minaliit nila ito. Iyon ay dahil sa sigasig nila sa kabutihan at kaseryosuhan nila roon. Nagsabi sila: "Saan tayo kung ihahambing sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Pinatawad na siya ni Allāh sa nauna sa pagkakasala niya at sa anumang nahuli!" Siya, sa pag-aakala nila, ay hindi nangangailangan ng pagsusumikap sa pagsamba. Binalak ng ilan sa kanila ang pag-iwan sa mga babae upang magpakaabala sa pagsamba. Minagaling ng ilan sa kanila ang pag-iwas sa pagkain ng karne bilang pag-iwas sa sarap ng buhay. Napagpasyahan ng iba sa kanila ang magdasal sa buong gabi bilang tahajjud o pagsamba. Nakaabot ang pinagsasabi nila sa kanya na higit na dakila sa kanila sa pangingilag sa pagkakasala, higit na matindi sa kanila sa takot kay Allāh, at higit nakaaalam kay sa kanila sa mga kalagayan at mga batas, ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Kaya nagtalumpati siya sa mga tao. Nagpuri siya kay Allāh. Ginawa niya ang pangangaral at ang pagpapatnubay na panlahat alinsunod sa marangal na nakagawian niya. Ipinabatid niya na siya ay nagbibigay sa bawat may karapatan ng karapatan nito. Kaya naman sumasamba siya kay Allāh, pagkataas-taas Niya, at tumatanggap ng ipinahihintulot na sarap ng buhay. Siya ay natutulog, nagdarasal, nag-aayuno, tumitigil sa pag-aayuno, at nakikipagtalik sa mga babae. Ang sinumang umayaw sa matayog na sunnah niya ay hindi kabilang sa mga tagasunod niya at tumatahak lamang sa landas ng mga gumagawa ng bid`ah.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية
Paglalahad ng mga salin