عن محمد بن عباد بن جعفر قال: «سألت جابر بن عبد الله رضي الله عنهما : أَنَهَى النبي صلى الله عليه وسلم عن صوم يوم الجمعة ؟ قال: نعم».
وفي رواية: «وَرَبِّ الْكَعْبَة».
[صحيح] - [رواه البخاري ومسلم -ولفظ مسلم: (نعم وَرَبِّ هذا البيت) أما لفظ : "ورب الكعبة" فهذا لفظ النسائي في الكبرى، نبه على ذلك الشيخ ابن عثيمين -رحمه الله]
المزيــد ...
Ayon kay Muhammad bin 'Ubbād bin Ja'far -siya ay nagsabi:(( Tinanong ko si Jābir bin 'Abdillāh: Ipinagbawal ba ng Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-ang pag-aayuno sa araw ng Biyernes? Nagsabi siya: Oo)) At sa isang salaysay:(( At sa Panginoon ng Ka'bah))
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Napagkaisahan ang katumpakan]
Nang ang araw ng Biyernes ay araw ng pagdiriwang para sa mga Muslim,ipinagbawal ng Islam ang pagtatalaga rito sa pag-aayuno at pagtindig ng dasal.maliban kung mag-aayuno kasama nito ng araw bago ito o kasunod nito.o ito ay mapabilang sa naka-ugaliang niyang pag-aayuno,at upang hindi isipin ng pangakalahatan ang pagtatalaga sa araw ng Biyernes ng karagdagang pagsamba sa iba nitong mga obligadong [gawain]