عَنْ أَبِي عُبَيْدٍ، مَوْلَى ابْنِ أَزْهَرَ، قَالَ:
شَهِدْتُ العِيدَ مَعَ عُمَرَ بْنِ الخَطَّابِ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، فَقَالَ: هَذَانِ يَوْمَانِ نَهَى رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ عَنْ صِيَامِهِمَا: يَوْمُ فِطْرِكُمْ مِنْ صِيَامِكُمْ، وَاليَوْمُ الآخَرُ تَأْكُلُونَ فِيهِ مِنْ نُسُكِكُمْ.
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 1990]
المزيــد ...
Ayon kay Abū `Ubayd na dating alipin ni Ibnu Azhar, na nagsabi:
{Nakasaki ako sa `īd kasama ni `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) saka nagsabi siya: "Ang dalawang ito ay dalawang araw na sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pag-aayuno sa dalawang ito: ang araw ng pagtigil-ayuno ninyo mula sa pag-aayuno ninyo at ang isa pang araw na doon ay kakain kayo mula sa alay ninyo."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 1990]
Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pag-aayuno sa araw ng Pagdiriwang ng Pagtigil-ayuno (`Īdul fiṭr) at Pagdiriwang ng Pag-aalay (`Īdul ’aḍḥā). Hinggil naman sa Pagdiriwang ng Pagtigil-ayuno, ito ang araw ng pagtigil sa pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍān. Hinggil naman sa araw ng Pagdiriwang ng Pag-aalay, ito ang araw ng pagkain ng mga alay.