+ -

عَنْ عَائِشَةَ أُمِّ المُؤْمنينَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهَا زَوْجِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
أَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ كَانَ يَعْتَكِفُ العَشْرَ الأَوَاخِرَ مِنْ رَمَضَانَ، حَتَّى تَوَفَّاهُ اللَّهُ، ثُمَّ اعْتَكَفَ أَزْوَاجُهُ مِنْ بَعْدِهِ.

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 2026]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh dito), na maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasagawa noon ng i`tikāf sa huling sampung araw ng Ramaḍān hanggang sa nagpapanaw sa kanya si Allāh. Pagkatapos nagsagawa ng i`tikāf ang mga maybahay niya noong matapos niya.}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 2026]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang ina ng mga mananampalataya, na si `Ā'ishah (malugod si Allāh dito), na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nanatili sa pagsasagawa ng i`tikāf sa huling sampung araw ng Ramaḍān dala ng paghahangad sa Gabi ng Pagtatakda (Laylatul qadr). Nagpatuloy siya sa gayon hanggang sa nagpapanaw sa kanya si Allāh. Nanatili nga sa pagsasagawa ng i`tikāf ang mga maybahay niya noong matapos niya (malugod si Allāh sa kanila).

من فوائد الحديث

  1. Ang pagkaisinasabatas ng pagsasagawa ng i`tikāf sa mga masjid, pati na sa mga babae kalakip ng mga tuntuning legal at kalakip ng kundisyon ng pagkakaroon ng seguridad laban sa ligalig.
  2. Natitiyak ang pagsasagawa ng i`tikāf sa huling sampung araw ng Ramaḍān dahil sa pananatili ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
  3. Ang pagsasagawa ng i`tikāf ay sunnah na nagpapatuloy na hindi napawalang-bisa yayamang nagsagawa ng i`tikāf ang mga maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) matapos niya.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية الدرية الرومانية المجرية الموري Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الأوكرانية الجورجية المقدونية الخميرية الماراثية
Paglalahad ng mga salin