عن عائشة رضي الله عنها أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: «من مات وعليه صِيَامٌ صَامَ عنه وَلِيُّهُ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu : ((Ang sinuman ang mamatay at sa kanya ay may [naiwang] obligadong pag-aayuno,Mag-aayuno para sa kanya ang kamag-anak nito))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ipinapaalam ni `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya-Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nag-utos sa mga magulang,na sinuman ang mamatay, at sa kanya ay may pananagutang mga tungkuling pag-aauyuno tulad ng panata,o kabayaran [bilang pagsisisi o bayad-puri sa mga panunumpa],o pagbayad sa [mga araw na hindi napag-ayunuhan] sa buwan ng Ramadhan,-na ito ay kanyang bayaran; dahil ito ay pagkaka-utang niya at ang mga kamag-anak niya ang pinakamalapit sa mga tao na nararapat magbayad nito,Sapagkat ito [magsisilibing] mabuting gawa ,pagmamahal at pakikipag-ugnay sa kanya,At ito ay bagay na kanaisnais at hindi inoobliga.