+ -

عن عبد الله بن عباس رضي الله عنهما قال: «سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يخطب بِعَرَفَاتٍ: من لم يَجِدْ نَعْلَيْنِ فَلْيَلْبَسِ الخُفَّيْنِ، ومن لَمْ يَجِدْ إِزَارًا فَلْيَلْبَسْ السَّرَاوِيلَ -للمحرم-».
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...

Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, na nagsabi: Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagtatalumpati sa `Arafāt: "Ang sinumang hindi nakatagpo ng sapatos ay magsuot ng medyas. Ang sinumang hindi nakatagpo ng isang tapis ay magsuot ng salawal," para sa Muḥrim.
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid si Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanya, na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagtalumpati sa mga tao sa araw ng `Arafāt. Ipinahintulot niya sa kanila ang pagsusuot ng medyas sa sandali ng kawalan ng sapatos. Hindi niya binanggit ang pagputol nito sa higit na mababa sa mga bukungbukong. Ipinahintulot niya sa kanila ang pagsusuot ng salawal para sinumang hindi nakatagpo ng tapis. Hindi isinakundisyon ang pagbiyak nito bilang pagpapagaang mula sa Tagapagbatas na Marunong, napakamaluwalhati Niya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa Portuges
Paglalahad ng mga salin