عن أبي هريرة رضي الله عنه مرفوعاً: «العَجْمَاءُ جُبَارٌ، والبئر جُبارٌ، وَالمَعْدِنُ جُبارٌ، وفي الرِّكَازِ الْخُمْسُ».
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ang mga hayop ay walang pananagutan. Ang balon ay walang pananagutan. Ang minahan ay walang pananagutan. Sa [natagpuang] kayamanan ay [nagpapataw ng] ikalimang [bahagi]."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
Ipinababatid ni Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, tungkol sa kahatulan ng pananagutan ng pagkasira o pagkabawas ng nagaganap sa ginawa ng hayop o sa pagkahulog sa balon o minahan. Walang pananagutan kaugnay rito sa isa man. Gayon din sa naganap na pagkasira o pagkabawas sa balong binabaan ng tao at ikinasawi niya, o sa minahang binabaan niya at ikinasawi niya dahil ang hayop, ang balon, at ang minahan ay hindi maaari ang paglipat ng pananagutan sa mga ito ni sa nagmamay-ari ng mga ito kapag walang naganap mula rito na pananakit o pagkukulang. Pagkatapos nabanggit niya na sinumang makatagpo ng isang kayaman, kaunti man o marami, tungkulin siyang patawan ng ikalimang bahagi nito dahil natamo ito nang walang hirap at walang pagod, at ang natitira ay ukol sa kanya.