عن الصعب بن جَثَّامَةَ رضي الله عنه ، قال: أهديتُ رسولَ الله - صلى الله عليه وسلم - حماراً وحشياً، فَرَدَّهُ عَلَيَّ، فلما رأى ما في وجهي، قال: «إنا لم نَرُدَّهُ عليك إلا لأنَّا حُرُمٌ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Assa'b bin Jathāmah-malugod si Allah sa kanya-siya ay Nagsabi:Nagregalo ako sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,ang isang mabangis na Asno-ibinalik niya ito sa akin,At nang makita ang mukha ko,Nagsabi siya:((Tunay na hindi namin ito ibinbalik sa iyo maliban sa kami ay nasa [kalagayan ng] Ihram))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Kabilang sa kabutihan ng pag-uugali ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-siya ay hindi nambobola sa mga tao [pagdating]sa Relihiyon ni Allah,at hindi niya kinaliligtaan na pasiyahin ang kanilang mga puso,Kaya`t si Assa'b bin Jathāmah-malugod si Allah sa kanya-ay dumaan sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at paangalagaan-,At ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at paangalagaan-ay nasa [kalagayan ng] Ihram,At si Assa'b bin Jathāmah-ay isang mananakbo at manghahagis,At nang dumaan siya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at paangalagaan-nangaso siya para sa kanya ng isang mabangis na Asno,at dumating siya para ibigay ito sa kanya-ngunit tinanggihan ito ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at paangalagaan-kaya naging mabigat ito para kay Assa'b,Papaanong nagawang tanggihan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at paangalagaan-ang regalo niya?Nag-iba ang mukha niya,At nang makita niya ang kanyang mukha,pinasaya niya ang kaniyang puso,At sinabi niyang walang ibang dahilan kung bakit niya ito tinanggihan maliban sa siya ay nasa [kalagayan] ng Ihram,At ang nasa kalagayan ng Ihram ay hindi dapat kumain sa hayop na nahuli [sa pangangaso] kung ito ay hinuli para sa kanya.