عن أم المؤمنين ميمونة بنت الحارث رضي الله عنها : أنها أعتقت وَليدَةً ولم تستأذن النبي صلى الله عليه وسلم فلما كان يَومُها الذي يَدورُ عليها فيه، قالت: أشَعَرْتَ يا رسول الله، أني أعتقت وليدتي؟ قال: «أو فعلت؟» قالت: نعم. قال: «أما إنك لو أعطيتها أخوالك كان أعظم لأجرك».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon sa Ina ng mga Mananampalataya, Maymūnah bint Al-Ḥārith, malugod si Allāh sa kanya: Siya ay nagpalaya ng isang batang babaing alipin at hindi siya nagpaalam sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Kaya noong araw niyang nakatoka sa kanya [ang Propeta], nagsabi siya: "Naramdaman mo ba, o Sugo ni Allāh, na ako ay nagpalaya sa batang babaing alipin ko?" Nagsabi ito: "At ginawa mo ba?" Nagsabi siya: "Oo." Nagsabi ito: "Tunay na ikaw, kung sakaling ibinigay mo iyon sa [isa sa] mga tiyuhin sa ina mo, ay magkakamit ng gantimpala mong higit na mabigat."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang kahulugan ng ḥadīth: Ang Ina ng mga Mananampalataya, Maymūnah bint Al-Ḥārith, malugod si Allāh sa kanya ay nagpalaya ng isang batang babaing alipin niya dahil sa pagtataglay niya ng kaalaman sa kalamangan ng pagpapalaya alang-alang kay Allāh. Iyon ay nangyari nang hindi siya nagpapabatid sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, o nagpapaalam dito sa pagpapalaya niyon. Kaya noong araw ng toka niya sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ipinabatid niya rito ang ginawa niya kaya nagsabi ito: "At ginawa mo ba?" Nagsabi siya: "Oo." Hindi nito siya minasama sa ginawa niya nang hindi kinukuha ang pananaw nito, gayon pa man nagsabi ito: "Tunay na ikaw, kung sakaling ibinigay mo iyon sa [isa sa] mga tiyuhin sa ina mo, ay magkakamit ng gantimpala mong higit na mabigat." Ang kahulugan: Maganda ang ginawa mo, gayon pa man, tunay na ikaw, kung sakaling nagkaloob niyon sa mga tiyuhin mo sa ina kabilang sa angkan ng Hilāl, talagang higit na mainam sana at higit na marami sa gantimpala sana dahil sa dulot nito na kawanggawa sa kamag-anak at kaanak.