عن أنس بن مالك رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم لأُبَي بنِ كعْب رضي الله عنه : «إن الله عز وجل أمَرَني أن أَقْرَأَ عَلَيك: (لم يكن الذين كفروا...) قال: وسمَّاني؟ قال: «نعم» فبكى أُبي. وفي رواية: فَجَعَل أُبَي يَبكِي.
[صحيح] - [متفق عليه.
الرواية الثانية: رواها البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kay Ubayy bin Ka`b malugod si Allah sa kanya: Tunay na si Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay nag-utos sa akin na bigkasain ko sa iyo ang 'Lam yakuni -lladhīna kafarū...' Nagsabi ito: At pinangalanan Niya ako? Nagsabi siya: Oo." Sa isang sanaysay: "Kaya nagsimula si Ubayy na umiyak."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Napagkaisahan ang katumpakan]
[Nasaad] sa ḥadīth na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagpabatid kay Ubayy na si Allah, pagkataas-taas Niya, ay nag-utos sa kanya na bigkasin dito ang Sūrah Al-Bayyinah. Nagtaka si Ubayy malugod si Allah sa kanya kung papaano ito dahil ang orihinal na kalakaran ay bibigkas ang nahihigitan (si Ubayy) para sa nakahihigit (ang Propeta) hindi ang nakahihigit [ang bibigkas] para sa nahihigitan. Kaya nang napatotohanan ni Ubayy mula sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at natiyak mula roon na si Allah ay bumanggit sa pangalan niya, naiyak siya malugod si Allah sa kanya sa sandaling iyon dala ng pagkatuwa at pagkagalak sa pagpangalan ni Allah, pagkataa-taas Niya, sa kanya.