عن أبي هريرة رضي الله عنه مرفوعاً: «من أعتق رقبة مسلمة أعتق الله بكل عضو منه، عضوًا منه في النار، حتى فرجه بفرجه».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang nagpalaya ng isang aliping Muslim, palalayain siya ni Allah sa bawat bahagi ng katawan niya katumbas ng bahagi ng katawan niyon, pati ang ari niya katumbas ng ari niyon."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Sa hadith na ito ay may paglilinaw ng kalamangan ng pagpapalaya ng aliping Muslim. Ang sinumang nagpalaya ng isang alipin ay para bang napalaya ang buong katawan niya mula sa Impiyerno. Sa pagpapalaya ng alipin ay may pagsasabuhay sa karangalan ng mga Muslim sa pamamagitan ng pag-aalis sa kanila ng kahamakan ng pagkaalipin.