عن أبي هريرة رضي الله عنه عن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: «من أعتق شِقْصَاً مِنْ مملوك، فعليهِ خَلاصُهُ كله في ماله، فإِنْ لم يكن له مال؛ قُوِّمَ المملوك قِيمَةَ عَدْلٍ، ثمَّ اُسْتُسْعِيَ العبد، غير مَشْقُوقٍ عليه».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-suya ay nagsabi :(( Sinumaan ang magpalaya ng alipin [sa paraan na] hulug-hulugan-o bahagi nito,Isinasatungkulin sa kanya na palayain siya ng ganap sa yaman nito,At kung wala siyang sapat na yaman,kukwentahin ng pinuno [ng alipin] ang makatarungang halaga [nito],pagkatapos ay magtatrabaho ang alipin [bilang kabayaran ng paglaya niya],ng walang halong pagpapahirap sa kanya))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Sinuman ang magpalaya [sa pamamagitan ng] bahaging gugulin niya sa isang alipin,isinasatungkulin sa tagapagpalaya na palayain ang alipin mula sa lahat [ng nagmamay-ari sa kanya],kung mayroon siyang sapat na yaman.Ibig sabihin;ang tagapagpalaya ay may yaman na makakayanan [ang pagpapalaya] rito,sa pamamagitan ng pagbabayad sa bawat kasamahan niya sa halagang naging bahagi nila sa alipin,upang ito ay mapalaya,Subalit kapag wala siyang yaman,o mayroon siyang yaman subalit hindi makakayanan nito [ang pagpapalaya rito], o magkakaroon siya ng pinsala dahil dito,ang dapat niyang gawin sa kalagayang ito ay papiliin ang alipin sa dalawang bagay; Una;Ang panatilihin nito ang sarili niya sa pamamahala [bilang alipin] sa halaga ng bahaging natitira.at siya ay magiging iilan,Ibig sabihin ay alipin sa iba at malaya sa iba,Sapagkat ipinapahintulot para sa kanya ang ganitong kalagayan,ang manatiling alipin sa iba.Pangalawa: Ang magtrabaho siya ,upang mabayaran ang halaga ng sinumang hindi nagpalaya sa kanya sa bahagi nito,pagkatapos gawin ng [pinuno ng alipin] ang makatarungang halaga,at tinatawag itong "Istis-'ā".