+ -

عن أبي موسى الأشعري رضي الله عنه مرفوعاً: «ثلاثة لهم أجْرَان: رجُلٌ من أهل الكتاب آمن بِنَبِيِّه، وآمَن بمحمد، والعَبْد المملوك إذا أَدَّى حَقَّ الله، وحَقَّ مَوَالِيه، ورجل كانت له أمَة فأدَّبَها فأحسن تَأدِيبَها، وَعَلَّمَهَا فأحسن تَعْلِيمَهَا، ثم أعْتَقَها فتزوجها؛ فله أجران».
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya: "May tatlong magkakamit ng dalawang gantimpala. Isang taong kabilang sa mga may kasulatan na sumampalataya sa propeta niya at sumampalataya kay Muḥammad. Ang aliping minamay-ari kapag ginampanan niya ang karapatan ni Allāh at ang karapatan ng amo niya. Isang lalaking may babaeng alipin, na hinubog niya ang kaasalan nito at hinusayan niya ang paghubog sa kaasalan nito, tinuruan niya ito at hinusayan niya ang pagtuturo niya rito, pagkatapos ay pinalaya niya ito at pinakasalan niya ito, kaya siya ay may dalawang gantimpala."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

Ang pagpapaliwanag

Tatlong uri ng tao kung saan ay pararamihin sa kanila ang gantimpala ng dalawang beses sa Araw ng pagkabuhay.Pagkatapos ay binanggit niya:" Ang isang lalaki mula sa mga may kasulatan" mula sa Hudyo at Kristiyano. Naniniwala siya sa Propetang ipinadala sa kanya noon, ito ay sina Mūsa at Īsah sumakanila ang pagpapala at pangangalaga,ito ay bago maipadala ang Propeta pagapalain siya ni Allāh at pangalagaan-at bago dumating sa kanya pag-aanyaya niya.At nang maipadala ang Propeta pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-at naiparating sa kanya ang pag aanyaya niya, naniwala siya sa kanya.kaya sa kanya ay may dalawang gantimpala.Gantimpala sa paniniwala niya sa Sugo na ipinadala sa kanya noon,at ang gantimpala sa paniniwala niya kay Muhammad pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-at ang aliping minamay-ari,kapag isinagawa niya ang pagsamba kay Allāh pagkataas-taas Niya,at ginampanan niya ang anumang inobliga sa kanya ng amo niya sa magandang pamamaraan,mapapasakanya ang dalawang gantimpala.At ang isang lalaki na may babaing alipin,dinisiplina niya ito ng mabuting disiplina,at itinuro niya ang mga [katuruan] sa relihiyon niya mula sa ipinapahintulot at ipinagbabawal, Pagkatapos ay pinalaya niya ito sa pagiging alipin, Pagkatapos ay pinakasalan niya,mapapasakanya ang dalawang gantimpala,Ang unang gantimpala:Dahil sa pagtuturo niya at pagpapalaya niya,At ang ikalawang gantimpala:Dahil sa pagiging mabuti niya sa kanya pagkatapos niya itong palayain at hindi siya pinabayaan, datapuwat ay inasawa niya ito at inilayo [sa kapahamakan] at napabuti [dahil]sa kanya ang ari nito

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Hausa
Paglalahad ng mga salin