عن السَّائب بن يزيد رضي الله عنه قال: لما قَدِم النبي صلى الله عليه وسلم من غَزْوة تَبُوك تَلَقَّاهُ الناس، فَتَلَقَّيتُه مع الصِّبْيَان على ثَنيَّةِ الوَدَاع.
ورواية البخاري قال: ذَهَبْنا نَتَلَقَّى رسول الله صلى الله عليه وسلم مع الصِّبْيَان إلى ثَنيَّةِ الوَدَاع.
[صحيح] - [رواه أبو داود، واللفظ الثاني للبخاري]
المزيــد ...
Ayon kay As-Sā’ib bin Yazīd, malugod si Allāh sa kanya: "Noong dumating ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, mula sa pagsalakay sa Tabūk, sinalubong siya ng mga tao at nakatagpo ko siya kasama ng mga bata sa Thanīyah Al-Wadā`." Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy, na nagsabi: "Umalis kami upang salabungin ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kasama ng mga bata patungo sa Thanīyah Al-Wadā`."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]
Ang kahulugan ng ḥadīth: Nagpapabatid si As-Sā’ib bin Yazīd, malugod si Allāh sa kanya, na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, noong dumating mula sa pagsalakay sa Tabūk, ay lumabas ang mga tao na mga nagpaiwan sa paglusob, na kabilang sa mga tinanggap ang dahilan at iba pa. Pumunta sila sa Thanīyah Al-Wadā` upang salubungin siya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa pag-uwi niya. Lumabas As-Sā’ib bin Yazīd kasama ng mga paslit ng Madīnah upang makipagtagpo sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan.