عن سهل بن سعد الساعدي ـرضي الله عنه- قَالَ رَسُول اللَّه -صَلّى اللهُ عَلَيْهِ وسَلَّم-: «لو كانت الدنيا تَعدل عند الله جَناح بَعوضة، ما سَقَى كافراً منها شَرْبَة ماء».
[صحيح] - [رواه الترمذي]
المزيــد ...
Ayon kay Sahl bin Sa`d As-Sā`idīy, malugod si Allah sa kanya: "Kung nagkataong ang mundo ay nakakatumbas sa ganang kay Allah ng isang pakpak ng lamok, hindi na sana Siya nagpainom sa isang tumatangging sumampalataya mula roon ng isang inom ng tubig."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy]
Sa ḥadīth ay may paglilinaw sa pagkahamak ng Mundo sa ganang kay Allah at na ito ay walang halaga. Kung nagkataong may katiting na halaga ito sa ganang kay Allah, hindi na sana Siya nagpainom mula rito sa isang tumatangging sumampalataya ng isang inom ng tubig, huwag nang sabihing pinagtamasa iyon dito at nagpasarap sa mga kaaya-ayang bagay dito. Dahil diyan ang Mundo ay aba sa ganang kay Allah, pagkataas-taas Niya, na taliwas naman sa Kabilang-buhay sapagkat ito ay tahanan ng lugod na mananatili para sa mga may pananampalataya, na laan sa kanila at hindi kasama ang mga tumatangging sumampalataya. Dahil diyan nararapat sa mga may pananampalataya na matalos nila ang reyalidad ng Mundong ito at huwag umasa dito sapagkat ito ay tahanan ng pagkalipas hindi tahanan ng pamamalagi. Kukunin nila mula rito ang babaunin nila para sa Kabilang-buhay nila na siyang tahanan ng pamamalagi. Nagsabi si Allah, pagkataas-taas Niya: "Ang ibinigay sa inyo na anuman ay kasiyahan ng buhay na makamundo at gayak nito. Ang nasa kay Allah ay higit na mabuti at higit na nagtatagal. Kaya hindi ba kaya uunawa?" (Qur'an Q:60)