عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ:
أَنَّ أَعْرَابِيًّا أَتَى النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، فَقَالَ: دُلَّنِي عَلَى عَمَلٍ إِذَا عَمِلْتُهُ دَخَلْتُ الجَنَّةَ، قَالَ: «تَعْبُدُ اللَّهَ لاَ تُشْرِكُ بِهِ شَيْئًا، وَتُقِيمُ الصَّلاَةَ المَكْتُوبَةَ، وَتُؤَدِّي الزَّكَاةَ المَفْرُوضَةَ، وَتَصُومُ رَمَضَانَ» قَالَ: وَالَّذِي نَفْسِي بِيَدِهِ لاَ أَزِيدُ عَلَى هَذَا، فَلَمَّا وَلَّى قَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «مَنْ سَرَّهُ أَنْ يَنْظُرَ إِلَى رَجُلٍ مِنْ أَهْلِ الجَنَّةِ، فَلْيَنْظُرْ إِلَى هَذَا».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 1397]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya):
{Na may isang Arabeng disyerto na pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, gabayan mo ako sa isang gawaing kapag ginawa ko ay papasok ako sa Paraiso." Nagsabi siya: "Sasamba ka kay Allāh nang hindi ka nagtatambal sa Kanya ng anuman, magpapanatili ka ng pagdarasal, magbibigay ka ng zakāh na isinatungkulin, at mag-aayuno ka sa Ramaḍān." Nagsabi ito: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, hindi ako magdaragdag ng higit diyan." Kaya noong tumalikod ito, nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang pinagalak na tumingin sa isang lalaking kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso, tumingin siya diyan."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 1397]
May pumunta na isang lalaking kabilang sa mga naninirahan sa ilang sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) upang gumabay siya rito sa isang gawain na magpapasok sa kanya sa Paraiso. Kaya sumagot dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagpasok sa Paraiso at ang kaligtasan mula sa Impiyerno ay dumedepende sa pagganap ng mga haligi ng Islām gaya ng pagsamba kay Allāh – tanging sa Kanya – at na hindi ka magtambal sa Kanya ng anuman, magpanatili ka ng limang ṣalāh na inobliga ni Allāh sa mga lingkod Niya sa bawat araw at gabi, at magbigay ka ng zakāh ng yaman mo na inobliga ni Allāh sa iyo at ipagkakaloob mo ito sa karapat-dapat dito, at mangalaga ka ng pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍān sa oras nito. Nagsabi ang lalaki: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, hindi ako magdaragdag sa gawaing isinatungkulin na narinig ko mula sa iyo ng anuman mula sa mga pagtalima at hindi ako magbabawas mula rito." Noong lumisan ang lalaki, nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang pinagalak na tumingin siya sa isang lalaking kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso, tumingin siya sa arabeng disyertong iyan."}