عن عائشة رضي الله عنها أن رجلًا استأذن على النبي صلى الله عليه وسلم فقال: «ائْذَنُوا له، بئس أخو العَشِيرَةِ؟».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya: May isang lalaking nagpaalam sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kaya nagsabi siya: "Magpahintulot kayo sa kanya; kay sama niyang kapatid ng lipi!"
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
May isang lalaking nagpaalam na humarap sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kaya nagsabi siya: "Magpahintulot kayo sa kanya; kay sama niyang kapatid ng lipi o anak ng lipi." Noong naupo siya, natuwa ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa mukha niya at nasiyahan sa kanya. Noong lumisan ang lalaki, nagsabi sa kanya si `Ā’ishah: "O Sugo ni Allah, nang nakita mo ang lalaki, nagsabi ka sa kanya ng ganito at ganoon. Pagkatapos ay natuwa ka sa harap niya at nasiyahan ka sa kanya." Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "O `Ā’ishah, kailan mo nalamang ako ay pagkalaswa-laswa? Tunay na ang pinakamasama sa mga tao sa ganang kay Allah sa kalagayan sa Araw ng Pagkabuhay ay ang sinumang iniwan ng mga tao bilang pangingilag sa kasamaan niya." Ang lalaking ito ay kabilang sa mga kampon ng katiwalian at kasamaan. Dahil dito, binanggit siya ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, noong wala na siya dahil karapat-dapat siya roon at sinabi: "Kay sama niyang anak ng lipi niya." Ito ay alang-alang sa pagbabala sa mga tao laban sa katiwalian niya nang sa gayon ay hindi malinlang ang mga tao sa kanya. Kaya kapag nakakita ka ng isang taong may katiwalian at panghalina subalit siya ay nakaakit na ng mga tao dahil sa tamis ng pananalita niya, tunay na isinasatungkulin sa iyo na magbigay-linaw na ang lalaking ito ay tiwali upang hindi malinlang ang mga tao sa kanya. Kay daming taong matatas ang dila at matamis magpahayag. Kapag nakita mo siya, pahahangain ka ng anyo niya. Kung magsasalita siya, makikinig ka sa kanya; subalit siya ay walang mabuting dulot. Kaya ang isinasatungkulin ay linawin ang kalagayan niya. Tungkol naman sa pagpipitagan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa lalaki, ito ay bilang pagpapaamo. Ang mga may kaalaman ay sumasang-ayon na ang pagpapaamo ay hinihiling sa pakikitungo sa mga iba, salungat sa pagpapahinuhod na nagreresulta rito ng pagtakwil sa tungkulin o pagpapalampas sa ipinagbabawal o paggawa ng ipinagbabawal. Ito ay hindi ipinahihintulot sa anumang kalagayan batay sa sabi ni Allah: "Hinangad nila na magpahinuhod ka sana at magpapahinuhod din sila." (Qur'an 68:9) Ang pagpapaamo naman at ang pakikitungo sa mga tao dahil sa pagsasakatuparan ng kapakanan at hindi nagreresulta rito ng pinakamababang katiwalian. Tunay na ito ay bagay na ayon sa Batas ng Islam.