عن عبد الله بن عمرو رضي الله عنهما أن النبي صلى الله عليه وسلم قال:
«بَلِّغُوا عَنِّي وَلَوْ آيَةً، وَحَدِّثُوا عَنْ بَنِي إِسْرَائِيلَ وَلَا حَرَجَ، وَمَنْ كَذَبَ عَلَيَّ مُتَعَمِّدًا فَلْيَتَبَوَّأْ مَقْعَدَهُ مِنَ النَّارِ».
[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 3461]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Magpaabot kayo tungkol sa akin kahit pa isang talata [ng Qur'ān]. Magsanaysay kayo tungkol sa mga anak ni Israel at walang pagkaasiwa. Ang sinumang nagsinungaling laban sa akin nang nananadya, lumuklok siya sa upuan niya mula sa Impiyerno."}
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 3461]
"Nag-uutos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagpapaabot ng kaalaman tungkol sa kanya mula sa Qur'ān o Sunnah, kahit pa man ang kaalaman ay kaunti gaya ng isang talata mula sa Qur'ān o isang ḥadīth, sa kundisyon na siya ay maging nakaaalam sa ipinaaabot niya at ipinaaanyaya niya."} Pagkatapos naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na walang masama sa pagsasanaysay tungkol sa mga anak ni Israel hinggil sa naganap sa kanila na mga kaganapan kaugnay sa hindi nakikipagsalungatan sa Batas natin. Pagkatapos nagbigay-babala siya laban sa pagsisinungaling laban sa kanya at na ang sinumang nagsinungaling laban sa kanya nang nananadya, gumawa ito para sa sarili nito ng isang tuluyan sa Impiyerno.