عن وَاثِلَةَ بن الأَسْقَعِ ـ رضي الله عنه ـ مرفوعاً: «إن من أعظم الفِرَى أن يَدَّعِيَ الرجلُ إلى غير أبيه، أو يُرِي عَيْنَهُ ما لم تَرَ، أو يقول على رسول الله صلى الله عليه وسلم ما لم يَقْلْ».
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay Wāthilah bin Al-Asqa`, malugod si Allah sa kanya: "Tunay na kabilang sa pinakasukdulan sa mga kabulaanan ay na mag-angkin ang tao [na anak daw siya] ng hindi niya ama, o [magpanggap na] ipinakita sa mata niya ang hindi niya nakita, o magsabi tungkol sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng hindi nito sinabi."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
Tunay na kabilang sa pinakamatinding kasinungalingan kay Allah, pakataas-taas Niya, ay na iugnay ng tao ang sarili niya sa hindi totoong ama niya, o iugnay ng isang [tao ang sarili bilang anak daw] ng hindi naman niya ama at kilalanin naman ito iyon. Ito ay kabilang sa pinakamatindi sa mga uri ng kasinungalingan. Tunay na kabilang sa pinakasukdulang kasinungalingan at pinakamatindi sa ganang kay Allah, pagkataas-taas Niya, na mag-angkin ang tao na nakakita raw siya sa panaginip ng isang bagay na hindi naman talaga niya nakita. Tunay na kabilang sa pinakasukdulang kasinungalingan at pinakamatindi sa ganang kay Allah, pagkataas-taas Niya, din na mag-ugnay sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng isang salita o gawain o pagsang-ayon gayong hindi natagpuan ito mula sa kanya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.