عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قَالَ:
قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «يَقُولُ اللهُ عَزَّ وَجَلَّ: أَنَا عِنْدَ ظَنِّ عَبْدِي، وَأَنَا مَعَهُ حِينَ يَذْكُرُنِي، فَإِنْ ذَكَرَنِي فِي نَفْسِهِ ذَكَرْتُهُ فِي نَفْسِي، وَإِنْ ذَكَرَنِي فِي مَلَإٍ ذَكَرْتُهُ فِي مَلَإٍ خَيْرٍ مِنْهُ، وَإِنِ اقْتَرَبَ إِلَيَّ شِبْرًا، تَقَرَّبْتُ إِلَيْهِ ذِرَاعًا، وَإِنِ اقْتَرَبَ إِلَيَّ ذِرَاعًا، اقْتَرَبْتُ إِلَيْهِ بَاعًا، وَإِنْ أَتَانِي يَمْشِي أَتَيْتُهُ هَرْوَلَةً».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 2675]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagsasabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): Ako ay nasa ganang palagay ng lingkod Ko at Ako ay kasama niya nang umaalaala siya sa Akin. Kaya kung umalaala siya sa Akin sa sarili niya, aalaala Ako sa kanya sa sarili Ko; at kung umalaala siya sa Akin sa isang konseho, aalaala Ako sa kanya sa isang konseho na higit na mabuti kaysa roon. Kung lumapit siya sa Akin nang isang dangkal, magpapakalapit Ako sa kanya nang isang bisig; at kung lumapit siya sa Akin nang isang bisig, lalapit Ako sa kanya nang isang dipa. Kung pumunta siya sa Akin nang naglalakad, pupunta Ako sa kanya nang payagyag."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 2675]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakataas Siya) ay nagsasabi:
"Ako ay nasa ganang palagay ng lingkod Ko sa Akin. Kaya naman nakikitungo Ako sa lingkod Ko alinsunod sa palagay niya sa Akin. Iyon ay sa pamamagitan ng pag-asa at pagbibigay-pag-asa sa kapaumanhinan. Gumagawa Ako sa kanya ng inaasahan niya mula sa Akin na kabutihan o iba pa roon. Ako ay kasama niya sa pamamagitan ng awa, pagtutuon sa tama, kapatnubayan, pag-aaruga, at pag-aayuda kapag umalaala siya sa Akin."
Kaya kung umalaala siya sa Akin sa sarili niya habang nakabukod na nagsasarili sa pamamagitan ng tasbīḥ (pagsambit ng subḥāna –llāh) o tahlīl (pagsambit ng lā ilāha illa –llāh) at iba pa rito, aalaala Ako sa kanya sa sarili Ko.
Kung umalaala siya sa isang pangkat, aalaala Ako sa kanya sa isang pangkat na higit na marami kaysa sa kanila at higit na kaaya-aya.
Ang sinumang nagpakalapit kay Allāh nang isang layo ng isang dangkal, hihigit sa kanya si Allāh sapagkat magpapakalapit Siya sa kanya nang isang bisig.
Kung nagpakalapit siya kay Allāh nang isang layo ng isang bisig, magpapakalapit Siya sa kanya nang isang layo ng isang dipa.
Kung dumating siya kay Allāh nang naglalakad, darating Siya sa kanya nang payagyag.
Kaya ang lingkod, kapag nagpakalapit sa Panginoon niya sa pamamagitan ng pagtalima sa Kanya at dedikasyon sa kanya, tunay na ang Panginoon (napakataas Siya) ay hihigit sa kanya sa kalapitan sa kanya bilang ganti sa uri ng gawain niya.
Kaya sa tuwing nalulubos ang pagkamananamba ng mananampalataya sa Panginoon niya, lumalapit siya sa Kanya (napakataas Siya). Ang bigay at ang gantimpala ni Allāh ay higit na marami kaysa sa gawa ng tao at pagpapagal niya. Ang resulta ay na ang gantimpala ni Allāh ay matimbang sa gawain sa pamamagitan kalidad at kantidad.
Ang mananampalataya ay nagpapaganda ng palagay, gumagawa, nakikipagmabilisan, at nadaragdagan hanggang sa makipagtagpo siya kay Allāh.