Talaan ng mga ḥadīth

Kapag nagkasakit ang tao o naglakbay siya, magtatala para sa kanya ng tulad ng dating ginagawa niya habang nananatili at malusog."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Magpaabot kayo tungkol sa akin kahit pa isang talata [ng Qur'ān]. Magsanaysay kayo tungkol sa mga anak ni Israel at walang pagkaasiwa. Ang sinumang nagsinungaling laban sa akin nang nananadya, lumuklok siya sa upuan niya mula sa Impiyerno."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagsabi si Heraql:Ano ang ipinagtatagubilin Niya sa inyo? Ibig sabihin ay ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi si Abū Sufyān: Sinabi kong: Sinabi Niyang:(( Sambahin ninyo si Allah na Nag-iisa at huwag kayong magtambal sa Kanya kahit sa kaunting bagay lamang,Iwanan ninyo ang anumang sinabi sa inyo ng mga ninuno ninyo,at itinatagubilin niya sa amin ang pagdarasal,pagiging tapat,dalisay,at pakikipag-ugnayan sa mga kamag-anak))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinag-utos niya sa mga tao,na ang maging huling pagtatagpo nila ay sa Tahanan [ng Allah],subalit hindi niya isinali rito ang babaing may regla
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kausapin ninyo ang mga tao ng nalalaman nilalaman nila. Ninanais ba ninyong pasinungalingan si Allāh at ang Sugo Niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nang dumating ang kamatayan kay Aba Tālib,dumating sa kanya ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at dito ay sina Abdullah bin Abe Umayyah at Abū Jahal,Ang sabi niya sa kanya: O tiyuhin ko,Sabihin mo na Walang ibang diyos na dapat sambahin maliban kay Allah salitang ipagsasaksi ko sa iyo kay Allah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Bawat kasukasuan ng mga tao ay tungkuling magbigay ng isang kawanggawa sa bawat araw na sumisikat ang araw. Ang magpakamakatarungan ka sa pagitan ng dalawang [tao] ay isang kawanggawa. Ang tumulong ka sa tao sa sasakyang hayop niya: ang buhatin mo siya sa ibabaw nito o ang iangat mo para sa kanya ang dala-dala niya ay isang kawanggawa. Ang salitang kaaya-aya ay isang kawanggawa.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Relihiyong Islām ay magaan. Hindi makikipagmatigasan sa Relihiyong Islām ang isa malibang mananaig ito sa kanya. Kaya magtama kayo, makipaglapit kayo,
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinagbawal ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pagsapak sa mukha at ang pagtatak sa mukha.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ako ay si Ḍimām bin Tha`labah na kapatid ng angkan ni Sa`d bin Bakr."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O mga tao, tunay na si Allāh ay nag-alis nga sa inyo ng kapalaluan ng Kamangmangan at pagsasadakila nito sa mga ninuno nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Si Ibnu Mas-ūd-malugod si Allah sa kanya - ay laging nagpapaalala sa amin sa bawat araw ng Huwebes,Nagsabi sa kanya ang isang lalaki:O Abu Abdurahman, Tunay na naiibigan ko na magpaalala ka sa amin araw-araw,Nagsabi siya: Katotohanan na ang pumipigil sa akin dito,ay kinamumunghian ko na maging mainipin kayo,Kung-kaya't ako ay nagtatakda sa inyo sa pagbibigay ng paalala,Tulad ng ginawa ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan -na nagtatakda sa amin ( ng pagpapaalala) bilang pag-iwas pagka-yamut namin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ukol sa iyo ang inasahan mo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nagdasal ang isa sa inyo sa gabi at bumigat ang pagbigkas ng Qur'ān sa dila niya kaya hindi niya nalaman ang sinasabi niya, matulog muna siya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag ang isang Muslim ay nagtanim ng isang tanim, ang anumang kinain mula rito ay isang kawanggawa ukol sa kanya, ang anumang ninakaw mula rito ay isang kawanggawa ukol sa kanya, at walang magbabawas rito na isa man malibang magiging isang kawanggawa ukol sa kanya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pumunta ako sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, samantalang siya ay nagtatalumpati.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag inantok ang isa sa inyo habang siya ay nagdarasal, humiga siya hanggang sa maalis sa kanya ang antok
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na may karapatan sa iyo ang Panginoon mo, tunay na may karapatan sa iyo ang sarili mo, at tunay na may karapatan sa iyo ang mag-anak mo, kaya ibigay mo sa bawat may karapatan ang karapatan niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Mangilag kayong magkasala kay Allah dahil sa mga piping hayop na ito, kaya sakyan ninyo ang mga ito habang naaangkop at kainin ang mga ito habang naaangkop
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Allah,ipagpala Mo ang aking Ummah sa umaga nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ito ay hindi marumi. Tunay na ito ay kabilang sa mga lalaking umiikut-ikot sa inyo at mga babaing umiikut-ikot.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
At ayon kay Abe Al-Aswad,nagsabi siya:Dumating ako sa Madinah,umupo ako kay Umar bin Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya-at dumaan sa kanila ang ililibing,at pinuri nila ang may-ari nito ng kabutihan,Nagsabi si Umar:Nararapat.Pagkatapos ay dumaan ang iba pa,at pinuri nila ang may-ari nito ng kabutihan,Nagsabi si Umar:Nararapat.Pagkatapos ay dumaan ang ikatlo,at pinuri nila ang may-ari nito ng kasamaan,Nagsabi si Umar:Nararapat.Nagsabi si Abu Al-Aswad,Nagsabi ako:At ano ang nararapat,O pinuno ng mga mananampalataya? Nagsabi siya:Sinabi ko ang tulad ng sinabi ng propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Kahit sinong muslim na magsasaksi sa kanya ang apat sa kabutihan,papapasukin Siya ni Allah sa Paraiso.)) Nagsabi kami: At kung tatlo? Nagsabi siya:(( at ang tatlo)),Nagsabi kami: At kung dalawa?Nagsabi siya:(( at ang dalawa)),Pagkatapos ay hindi na namin siya tinanong,kapag isa.Isinaysay ito ni Imam Al-Bukharie
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinagbawal ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na patayin nang nakakulong ang mga hayop.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na walang nararapaat na magparusa sa pamamagitan ng apoy kundi ang Panginoon ng apoy.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Samantalang may isang asong paikut-ikot sa isang balon na halos patayin na ito ng uhaw, walang anu-ano ay nakita ito ng isang patutot na kabilang sa mga patutot ng mga anak ni Israel. Hinubad niya ang sapatos niya at ipinansalok ito para roon. Pinainom niya iyon kaya pinatawad siya dahil doon.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Gawin ninyo sa mga gawain ang nakakayanan ninyo,Sumpa kay Allah,Hindi magsasawa si Allah hanggang sa kayo ay magsawa
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakakita ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng isang asnong tinatakan ang mukha. Minasama niya iyon
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Talaga ngang nakita ko na ako ay ikapitong anak mula sa mga anak ni Muqarrin. Wala kaming utusan maliban sa isang babaeng sinampal ng pinakabata sa amin kaya inutusan kami ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na palayain ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Barra,Nagsabi siya;Ipinadala ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-si Khalid bin Waled sa mga nanahanan sa Yaman,upang mag-anyaya sa Islam,ngunithindi nilaito tinugunan,pagkatapos ay tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay ipinadala si Ali bin Abe Talib,at ipinag-utos niya sa kanya na pabalikin si Khalid at sinumang kasama niya,maliban sa isang lalaking na kasamahan ni Khalid na nagnais na sumanib kasama si Ali-malugod si Allah sa kanya-ay hayaan itong sumanib sa kanya,Nagsabi si Barra,kabilang ako sa sumanib sa kanya,At nang nakalapit na kami sa mga Tao,lumabas sila para sa amin,At nagdasal sa amin si Ali-malugod si Allah sa kanya-at pinalinya kami sa isang linya lamang,pagkatapos au nanguna siya sa amin,at binasa niya sa kanila ang sulat ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Hangang sa yumakap sa Islam ang lahat ng Hamdan,at (pagkatapos ay) Sumulat din si Ali-,malugod si Allah sa kanya sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tungkol sa pagyakap nila sa Islam,,At nang basahin ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang sulat tungkol sa pagyakap nila sa Islam,nagpakumbaba siya pagpatirapa,pagkatapos ay ini-angat niya ang kanyang ulo na nagsasabi; Ang Pangangalaga ay mapa sa Hamdan,Ang Pangangalaga ay mapa sa Hamdan,Sunun Al-Kubra,Ni Bayhaqie
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu