عن أبي علي سويد بن مُقَرِّن رضي الله عنه قال: لقد رَأَيْتُنِي سابع سبعة من بني مُقَرِّن ما لنا خادم إلا واحدة لطمها أصغرنا فأمرنا رسول الله صلى الله عليه وسلم أن نعتقها وفي رواية: «سابع إخوة لي».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Abū `Alīy Suwayd bin Muqarrin, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Talaga ngang nakita ko na ako ay ikapitong anak mula sa mga anak ni Muqarrin. Wala kaming utusan maliban sa isang babaeng sinampal ng pinakabata sa amin kaya inutusan kami ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na palayain ito." Sa isang sanaysay: "ikapito sa mga kapatid ko"
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Nagpapabatid si Suwayd bin Muqarrin at nagsasabi: Ako noon ay isa sa pitong magkakapatid na mga anak ni Muqarrin. Lahat sila ay mga kasamahang lumikas. Walang isang nakahalo sa kanila sa kabuuan niyon. Hindi kami nagkaraoon ng nagsasagawa ng pagsisilbi sa aming pito maliban sa isang babaing alipin at sinampal pa iyon ng pinakabata sa amin. Kaya hiniling sa amin ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na palayain namin iyon mula sa pagkakaalipin upang ang pagpapalaya roon ay maging panakip-sala sa pananakit doon.