+ -

عن أبي جحيفة وهب بن عبد الله رضي الله عنه قال: آخى النبي صلى الله عليه وسلم بين سلمان وأبي الدرداء، فزار سلمان أبا الدرداء فرأى أم الدرداء مُتَبَذِّلَةً، فقال: ما شأنُكِ؟ قالت: أخوك أبو الدرداء ليس له حاجة في الدنيا، فجاء أبو الدرداء فصنع له طعاما، فقال له: كل فإني صائم، قال: ما أنا بآكل حتى تأكل فأكل، فلما كان الليل ذهب أبو الدرداء يقوم فقال له: نم، فنام، ثم ذهب يقوم فقال له: نم. فلما كان من آخر الليل قال سلمان: قم الآن، فصليا جميعا فقال له سلمان: إن لربك عليك حقا، وإن لنفسك عليك حقا، ولأهلك عليك حقا، فأعطِ كل ذي حق حقه، فأتى النبي صلى الله عليه وسلم فذكر ذلك له فقال النبي صلى الله عليه وسلم : «صدق سلمان».
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Juḥayfah Wahb bin `Abdillāh, malugod si Allāh sa kanya: "Pinagkapatid ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sina Salmān at Abū Ad-Dardā'. Dinalaw ni Salman si Abū Ad-Dardā' at nakita niya si Umm Ad-Dardā' (ang maybahay ni Abū Ad-Dardā') na nanlilimahid kaya nagsabi ito: Ang nangyari sa iyo? Nagsabi iyon: Ang kapatid mong si Abū Ad-Dardā' ay walang pangangailangan sa mundo. Dumating si Abū Ad-Dardā' at ginawan si Salmān ng pagkain at sinabi rito: Kumain ka at ako ay nag-aayuno. Nagsabi si Salmān: Hindi ako kakain malibang kakain ka; kaya kumain ito. Nang lumalim ang gabi bumangon si Abū Ad-Dardā' upang magdasal [ng kusang-loob na dasal] kaya nagsabi rito si Salmān: Matulog ka; kaya natulog ito. Pagkatapos ay bumangon ito upang magdasal kaya nagsabi rito si Salmān: Matulog ka. Nang sumapit na ang huling bahagi ng gabi, nagsabi si Salmān: Bumangon ka na. Nagdasal silang dalawa nang magkasama at sinabi rito ni Salmān: Tunay na may karapatan sa iyo ang Panginoon mo, tunay na may karapatan sa iyo ang sarili mo, at tunay na may karapatan sa iyo ang mag-anak mo, kaya ibigay mo sa bawat may karapatan ang karapatan niya. Pinuntahan ni Salmān ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at binanggit iyon sa kanya kaya nagsabi ang Propeta,, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Nagsabi ng totoo si Salmān."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

Ang pagpapaliwanag

Naglagay ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa pagitan nina Salmān at Abū Ad-Dardā' ng bigkis ng kapatiran kaya dinalaw ni Salmān si Abū Ad-Dardā' at natagpuan niya ang maybahay nito na hindi nakasuot ng mga kasuutan ng babaing may-asawa:mga kasuutang maganda. Tinanong niya ito tungkol doon at sumagot ito na ang kapatid niyang si Abū Ad-Dardā' ay tumalikod sa mundo, sa mag-anak, sa pagkain, at sa bawat bagay. Noong dumating si Abū Ad-Dardā', ginawan niya si Salmān ng pagkain at inihain ito kay Salmān. Si Abū Ad-Dardā' ay nag-aayuno. Ipinag-utos ni Salmān na ihinto niya ang pag-aayuno dahil alam niya na ito ay nag-aayuno lagi, kaya kumain si Abū Ad-Dardā'. Pagkatapos noong ninais ni Abū Ad-Dardā' na magsagawa ng kusalang-loob na pagdarasal sa gabi (qiyāmullayl), inutusan siya ni Salmān na matulog hanggang sa sumapit ang huling bahagi ng gabi at saka sila magkasamang nagdasal. Ninais ni Salmān na linawin kay Abū Ad-Dardā' na ang tao ay nararapat na hindi magpahirap sa sarili sa pag-aayuno at pagdarasal sa gabi at dapat lamang magdasal at mag-ayuno sa paraan magkakamit siya ng kabutihan at mapapawi ang pagod, hirap, at pagtitiis.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Tamil
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan