Ang mga pangalawang kategorya

Talaan ng mga ḥadīth

Kapag nagkasakit ang tao o naglakbay siya, magtatala para sa kanya ng tulad ng dating ginagawa niya habang nananatili at malusog."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinag-utos niya sa mga tao,na ang maging huling pagtatagpo nila ay sa Tahanan [ng Allah],subalit hindi niya isinali rito ang babaing may regla
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Bawat kasukasuan ng mga tao ay tungkuling magbigay ng isang kawanggawa sa bawat araw na sumisikat ang araw. Ang magpakamakatarungan ka sa pagitan ng dalawang [tao] ay isang kawanggawa. Ang tumulong ka sa tao sa sasakyang hayop niya: ang buhatin mo siya sa ibabaw nito o ang iangat mo para sa kanya ang dala-dala niya ay isang kawanggawa. Ang salitang kaaya-aya ay isang kawanggawa.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Relihiyong Islām ay magaan. Hindi makikipagmatigasan sa Relihiyong Islām ang isa malibang mananaig ito sa kanya. Kaya magtama kayo, makipaglapit kayo,
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O mga tao, tunay na si Allāh ay nag-alis nga sa inyo ng kapalaluan ng Kamangmangan at pagsasadakila nito sa mga ninuno nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ukol sa iyo ang inasahan mo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nagdasal ang isa sa inyo sa gabi at bumigat ang pagbigkas ng Qur'ān sa dila niya kaya hindi niya nalaman ang sinasabi niya, matulog muna siya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag ang isang Muslim ay nagtanim ng isang tanim, ang anumang kinain mula rito ay isang kawanggawa ukol sa kanya, ang anumang ninakaw mula rito ay isang kawanggawa ukol sa kanya, at walang magbabawas rito na isa man malibang magiging isang kawanggawa ukol sa kanya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag inantok ang isa sa inyo habang siya ay nagdarasal, humiga siya hanggang sa maalis sa kanya ang antok
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na may karapatan sa iyo ang Panginoon mo, tunay na may karapatan sa iyo ang sarili mo, at tunay na may karapatan sa iyo ang mag-anak mo, kaya ibigay mo sa bawat may karapatan ang karapatan niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Allah,ipagpala Mo ang aking Ummah sa umaga nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
At ayon kay Abe Al-Aswad,nagsabi siya:Dumating ako sa Madinah,umupo ako kay Umar bin Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya-at dumaan sa kanila ang ililibing,at pinuri nila ang may-ari nito ng kabutihan,Nagsabi si Umar:Nararapat.Pagkatapos ay dumaan ang iba pa,at pinuri nila ang may-ari nito ng kabutihan,Nagsabi si Umar:Nararapat.Pagkatapos ay dumaan ang ikatlo,at pinuri nila ang may-ari nito ng kasamaan,Nagsabi si Umar:Nararapat.Nagsabi si Abu Al-Aswad,Nagsabi ako:At ano ang nararapat,O pinuno ng mga mananampalataya? Nagsabi siya:Sinabi ko ang tulad ng sinabi ng propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Kahit sinong muslim na magsasaksi sa kanya ang apat sa kabutihan,papapasukin Siya ni Allah sa Paraiso.)) Nagsabi kami: At kung tatlo? Nagsabi siya:(( at ang tatlo)),Nagsabi kami: At kung dalawa?Nagsabi siya:(( at ang dalawa)),Pagkatapos ay hindi na namin siya tinanong,kapag isa.Isinaysay ito ni Imam Al-Bukharie
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Samantalang may isang asong paikut-ikot sa isang balon na halos patayin na ito ng uhaw, walang anu-ano ay nakita ito ng isang patutot na kabilang sa mga patutot ng mga anak ni Israel. Hinubad niya ang sapatos niya at ipinansalok ito para roon. Pinainom niya iyon kaya pinatawad siya dahil doon.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu