+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه قال رسول الله -صلى الله عليه وآله وسلم-: «كل سُلامى من الناس عليه صدقة كل يوم تطلع فيه الشمس: تَعْدِلُ بين اثنين صدقةٌ، وتُعِينُ الرجلَ في دابتِه فتَحملُهُ عليها أو تَرفعُ له عليها متاعَهُ صَدَقَةٌ، والكلمةُ الطيبةُ صدقةٌ، وبكل خُطْوَةٍ تمشيها إلى الصلاة صدقةٌ، وتُميط الأذَى عن الطريق صدقةٌ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Bawat kasukasuan ng mga tao ay tungkuling magbigay ng isang kawanggawa sa bawat araw na sumisikat ang araw. Ang magpakamakatarungan ka sa pagitan ng dalawang [tao] ay isang kawanggawa. Ang tumulong ka sa tao sa sasakyang hayop niya: ang buhatin mo siya sa ibabaw nito o ang iangat mo para sa kanya ang dala-dala niya ay isang kawanggawa. Ang salitang kaaya-aya ay isang kawanggawa. Sa bawat hakbang na nilalakad mo patungo sa pagdarasal ay may isang kawanggawa. Ang alisin mo sa daan ang nakapipinsala ay isang kawanggawa."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Sa bawat araw na sinisikatan ng araw ay may tungkulin para sa lahat ng mga kasukasuang iyon - na mga 360 - na magbigay ng kawanggawa sa araw na iyon. Pagkatapos ay bumanggit siya matapos niyon ng mga halimbawang naisasakatuparan sa pamamagitan ng mga iyon ang kawanggawa. Ito ay panggawain at pampananalita, at pansarili at pang-iba. Ang kahulugan ng pansarili: ang pakinabang ay para sa nagsasagawa nito. Ang kahulugan ng pang-iba: ang pakinabang ay nakararating sa mga ibang tao. Ang binanggit ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa ḥadīth na ito ay kabilang sa uri ng paghahalimbawa hindi paglilimita. Ang katarungan sa pagitan ng dalawang panig ay nangyayari sa paghahatol o pagpapayapa sa pagitan ng dalawang nagtutunggalian ayon sa katarungan. Ito ay pampananalitang pang-iba. Ang pagtulong sa tao sa pagpapasakay sa kanya sa sasakyan niya o pagkakarga ng dala-dalahan niya sa sasakyan niya ay panggawaing pang-iba. Ang pagsasabi ng kaaya-ayang pananalita ay napaloloob rito ang bawat kaaya-ayang pananalita gaya ng dhikr, panalangin, pagbigkas ng Qur'ān, pagtuturo, pag-uutos ng nakabubuti, pagsaway sa nakasasama, at iba pa. Ito ay pampananalitang pansarili at pang-iba. Ang bawat hakbang na nilalakad ng Muslim patungo sa dasal ay isang kawanggawa ng Muslim sa sarili niya. Ito ay panggawaing pansarili. Ang pag-aalis sa daan ng nakapipinsala gaya ng tinik, bato, bubog, at iba pa ay kawanggawa. Ito panggawaing pang-iba.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الدرية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan