عَنْ عَبْدِ اللَّهِ بْنِ عُمَرَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا قَالَ: أَخَذَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ بِمَنْكِبِي، فَقَالَ:
«كُنْ فِي الدُّنْيَا كَأَنَّكَ غَرِيبٌ أَوْ عَابِرُ سَبِيلٍ»، وَكَانَ ابْنُ عُمَرَ، يَقُولُ: إِذَا أَمْسَيْتَ فَلاَ تَنْتَظِرِ الصَّبَاحَ، وَإِذَا أَصْبَحْتَ فَلاَ تَنْتَظِرِ المَسَاءَ، وَخُذْ مِنْ صِحَّتِكَ لِمَرَضِكَ، وَمِنْ حَيَاتِكَ لِمَوْتِكَ.
[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 6416]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Humawak ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kasukasuan ng balikat ko saka nagsabi siya:
"Ikaw sa Mundo ay maging para bang ikaw ay isang estranghero o isang tumatawid sa landas." Ang Anak ni `Umar noon ay nagsasabi: "Kapag ginabi ka, huwag mong hintayin ang umaga; at kapag inumaga ka, huwag mong hintayin ang gabi. Kumuha ka mula sa kalusugan mo para sa pagkakasakit mo at mula sa buhay mo para sa kamatayan mo."}
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 6416]
Bumanggit ang Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay humawak sa kasukasuan ng balikat niya – ang pinagsalubungan ng braso at balikat – at nagsabi sa kanya: "Ikaw sa Mundo ay maging para bang ikaw ay isang estranghero, na dumating sa isang bayang walang bahay para sa kanya roon na kakanlungan niya walang nakatirang magpapalubag-loob sa kanya, na malayo sa pamilya, mga anak, at mga kaugnayan, na siyang kadahilanan ng pagkaabala palayo sa Tagalikha. Bagkus ikaw ay maging higit na matindi kaysa sa estranghero, na tumatawid sa landas na dumadaan sa daan habang naghahanap ng bayan niya, dahil ang estranghero ay maaaring matiwasay sa bayan ng kaestrangheruhan at manahanan doon, na kasalungatan sa tumatawid sa landas na nagsasadya sa bayan sapagkat tunay na bahagi ng pumapatungkol sa kanya ang maghinay-hinay hindi ang tumigil-tigil at ang magsigasig sa pagdating sa bayan niya. Kaya kung paanong ang manlalakbay ay hindi nangangailangan ng higit kaysa magpapaabot sa kanya sa layon ng paglalakbay niya, gayon din naman, hindi nangangailangan ang mananampalataya sa Mundo ng higit sa magpapaabot sa kanya sa patutunguhan.
Kaya nagsagawa ang Anak ni `Umar ng payong ito at nagsasabi siya noon: "Kapag inumaga ka, huwag mong hintayin ang gabi; at kapag ginabi ka, huwag mong hintayin ang umaga. Ibilang mo ang sarili mo sa mga nananahan sa mga libingan dahil ang buhay ay hindi nawawalan ng kalusugan at pagkakasakit." Kaya magdali-dali ka sa mga araw ng kalusugan mo sa pagtalima para sa pagkakasakit mo. Samantalahin mo ang pagkakataon ng mga maayos na gawa sa kalusugan mo bago humarang sa pagitan mo at nito ang pagkakasakit. Samantalahin mo ang pagkakataon ng buhay mo sa Mundo saka tipunin mo rito ang magpapakinabang sa iyo matapos ng kamatayan mo.