عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«لَا تَحَاسَدُوا، وَلَا تَنَاجَشُوا، وَلَا تَبَاغَضُوا، وَلَا تَدَابَرُوا، وَلَا يَبِعْ بَعْضُكُمْ عَلَى بَيْعِ بَعْضٍ، وَكُونُوا عِبَادَ اللهِ إِخْوَانًا الْمُسْلِمُ أَخُو الْمُسْلِمِ، لَا يَظْلِمُهُ وَلَا يَخْذُلُهُ، وَلَا يَحْقِرُهُ التَّقْوَى هَاهُنَا» وَيُشِيرُ إِلَى صَدْرِهِ ثَلَاثَ مَرَّاتٍ «بِحَسْبِ امْرِئٍ مِنَ الشَّرِّ أَنْ يَحْقِرَ أَخَاهُ الْمُسْلِمَ، كُلُّ الْمُسْلِمِ عَلَى الْمُسْلِمِ حَرَامٌ، دَمُهُ، وَمَالُهُ، وَعِرْضُهُ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2564]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Huwag kayong mag-inggitan. Huwag kayong magpataasan sa tawad. Huwag kayong magmuhian. Huwag kayong magtalikuran. Huwag magtinda ang ilan sa inyo bilang panunulot sa pagtitinda ng iba pa. Maging mga lingkod kayo ni Allāh bilang magkakapatid. Ang Muslim ay kapatid ng Muslim. Hindi siya nang-aapi nito. Hindi siya nagkakanulo nito. Hindi siya nanghahamak nito. Ang pangingilag magkasala ay narito." Tumuturo siya sa dibdib niya nang tatlong ulit. "Nasa kasapatan sa isang tao bilang kasamaan na manghamak siya ng kapatid niyang Muslim. Ang lahat sa Muslim sa kapwa Muslim ay bawal labagin: ang dugo niya, ang ari-arian niya, at ang dangal niya."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2564]
Nagtagubilin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Muslim ng kapatid niyang Muslim ng kabutihan at naglinaw siya ng ilan sa kinakailangan dito na mga tungkulin at mga etiketa tungo sa kanila. Kabilang doon: Ang Unang Tagubilin: Huwag kayong mag-inggitan sa pamamagitan ng pagmimithi ng iba sa inyo ng paglaho ng biyaya sa iba. Ang Ikalawa: Huwag kayong magpataasan sa tawad sa pamamagitan ng pagdaragdag sa kabayaran ng paninda samantalang hindi naman siya nagnanais bumili nito at nagnanais lamang siya ng pagpapakinabang sa tagapagtinda o ng pagpinsala sa mamimili. Ang Ikatlo: Huwag kayong magmuhian. Ito ay ang pagnanais ng kapinsalaan at ito ay kontra sa pag-ibig, malibang kapag ang pagkamuhi ay alang-alang kay Allāh (napakataas Siya) sapagkat tunay na ito ay kinakailangan. Ang Ikaapat: Huwag kayong magtalikuran sa pamamagitan ng pagtutuon ng bawat isa sa inyo sa kapatid niya ng likod niya at batok niya para umayaw rito at mang-iwan dito. Ang Ikalima: Huwag magtinda ang ilan sa inyo bilang panunulot sa pagtitinda ng iba pa sa pamamagitan ng pagsasabi sa sinumang bumili ng isang paninda: "Mayroon akong tulad niyan kapalit ng higit na mababa kaysa riyan o higit na mahusay kaysa riyan sa presyo niyan." Pagkatapos nagtagubilin siya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ng isang tagubiling tagasaklaw sapagkat nagsabi siya: "Maging gaya kayo ng magkakapatid sa pamamagitan ng pagwaksi ng nabanggit na mga sinasaway sa pamamagitan ng pag-uukol ng pagmamahal, kabanayaran, pakikiramay, pagmamabait, at pagtutulungan sa kabutihan kasama ng kadalisayan ng mga puso at pagpapayo sa bawat kalagayan." Kabilang sa mga hinihiling ng kapatirang ito: Na hindi siya mang-api sa kapatid niyang Muslim at mangaway rito. Na hindi siya mag-iwan sa kapatid niyang Muslim habang inaapi ito saka magkanulo rito sa isang katayuang makakakaya siya na mag-adya rito at magpawi rito ng pang-aapi. Na hindi siya manghamak dito, magmaliit dito, at tumingin dito nang may mata ng pagmamababa at pangmamata, na resulta ng isang pagmamalaki sa puso. Pagkatapos naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang tatlong ulit na ang pangingilag magkasala ay nasa puso at ang sinumang nasa puso niya ang pangingilag magkasala na humihiling ng kagandahan ng kaasalan, takot kay Allāh, at pagsasaalang-alang kay Allāh, tunay na siya ay hindi nanghahamak ng isang Muslim. Nakasasapat sa kanya mula sa mga katangian ng kasamaan at mga kabuktutan ng mga kaasalan ang panghahamak sa kapatid niyang Muslim at iyon ay dahil sa pagmamalaki sa puso niya. Pagkatapos nagbigay-diin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa nabanggit na ang lahat sa Muslim sa kapwa Muslim ay bawal labagin: ang dugo niya sa pamamagitan ng paglabag sa kanya sa pagpatay o mababa pa rito gaya ng pagsugat, paghagupit, at tulad nito; gayundin ang ari-arian niya sa pamamagitan ng pagkuha mula sa kanya nang walang karapatan; at gayundin ang dangal niya sa pamamagitan ng pagpula sa kanya sa sarili niya o reputasyon niya.