عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«صَلَاةُ الرَّجُلِ فِي جَمَاعَةٍ تَزِيدُ عَلَى صَلَاتِهِ فِي بَيْتِهِ وَصَلَاتِهِ فِي سُوقِهِ بِضْعًا وَعِشْرِينَ دَرَجَةً، وَذَلِكَ أَنَّ أَحَدَهُمْ إِذَا تَوَضَّأَ فَأَحْسَنَ الْوُضُوءَ، ثُمَّ أَتَى الْمَسْجِدَ لَا يَنْهَزُهُ إِلَّا الصَّلَاةُ، لَا يُرِيدُ إِلَّا الصَّلَاةَ، فَلَمْ يَخْطُ خَطْوَةً إِلَّا رُفِعَ لَهُ بِهَا دَرَجَةٌ، وَحُطَّ عَنْهُ بِهَا خَطِيئَةٌ، حَتَّى يَدْخُلَ الْمَسْجِدَ، فَإِذَا دَخَلَ الْمَسْجِدَ كَانَ فِي الصَّلَاةِ مَا كَانَتِ الصَّلَاةُ هِيَ تَحْبِسُهُ، وَالْمَلَائِكَةُ يُصَلُّونَ عَلَى أَحَدِكُمْ مَا دَامَ فِي مَجْلِسِهِ الَّذِي صَلَّى فِيهِ، يَقُولُونَ: اللهُمَّ ارْحَمْهُ، اللهُمَّ اغْفِرْ لَهُ، اللهُمَّ تُبْ عَلَيْهِ، مَا لَمْ يُؤْذِ فِيهِ، مَا لَمْ يُحْدِثْ فِيهِ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 649]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang dasal ng lalaki sa isang kongregasyon ay nakahihigit sa dasal niya sa bahay niya at sa dasal niya sa palengke niya nang higit sa dalawampung antas. Iyon ay dahil sa ang isa sa kanila, kapag nagsagawa siya ng wuḍū' at nagpahusay siya sa pagsasagawa ng wuḍū', pagkatapos pumunta siya sa masjid, na walang nag-uudyok sa kanya kundi ang pagdarasal, na walang ninanais kundi ang pagdarasal, wala siyang hahakbanging hakbang malibang mag-aangat para sa kanya dahil dito ng isang antas at mag-aalis sa kanya dahil dito ng isang kasalanan hanggang sa makapasok siya sa masjid. Kapag nakapasok siya sa masjid, siya ay nasa pagdarasal hanggat ang pagdarasal ay pumipigil sa kanya. Ang mga anghel ay dumadalangin ng basbas sa isa sa inyo hanggat siya ay nasa inuupuan niya na pinagdasalan niya. Nagsasabi sila: 'O Allāh, maawa Ka sa kanya; O Allāh, magpatawad Ka sa kanya; O Allāh, tumanggap Ka ng pagbabalik-loob sa kanya, hanggat hindi siya namemerhuwisyo rito, hanggat hindi siya nasisiraan ng wuḍū' rito.'"}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 649]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kapag nagdasal ang Muslim sa isang konggregasyon, ang pagdarasal niyang iyon ay higit na mainam kaysa sa pagdarasal niya sa bahay niya o palengke niya nang higit sa dalawampung ulit. Pagkatapos binanggit niya ang kadahilanan hinggil doon: na ang lalaki – kapag nagsagawa siya ng wuḍū' saka nagpalubos siya sa pagsasagawa ng wuḍū' at nagpahusay nito, pagkatapos lumabas siya papuntang masjid, na walang nagpalabas sa kanya kundi ang pagnanais ng pagsasagawa ng ṣalāh – ay walang hinahakbang na isang hakbang malibang mag-aangat para sa kanya dahil dito ng isang baytang at isang antas at magpapawi sa kanya dahil dito ng isang kasalanan. Kapag pumasok siya sa masjid at naupo habang naghihintay ng ṣalāh, tunay na siya ay kumukuha ng pabuya ng ṣalāh at gantimpala nito hanggang naghihintay siya ng ṣalāh. Ang mga anghel naman ay dumadalangin para sa kanya hanggang siya ay nasa inuupuan niyang pinagdasalan, na nagsasabi: "O Allāh, magpatawad Ka sa kanya. O Allāh, maawa Ka sa kanya. O Allāh tumanggap Ka ng pagbabalik-loob sa kanya." Ito ay hanggat hindi nasisira ang wuḍū' niya o hindi siya gumagawa ng ikinapeperhuwisyo ng mga tao o mga anghel.