عَنْ زِرِّ بْنِ حُبَيْشٍ قَالَ:
أَتَيْتُ صَفْوَانَ بْنَ عَسَّالٍ المُرَادِيَّ، أَسْأَلُهُ عَنِ المَسْحِ عَلَى الخُفَّيْنِ، فَقَالَ: مَا جَاءَ بِكَ يَا زِرُّ؟ فَقُلْتُ: ابْتِغَاءَ العِلْمِ، فَقَالَ: إِنَّ المَلاَئِكَةَ لَتَضَعُ أَجْنِحَتَهَا لِطَالِبِ العِلْمِ؛ رِضًا بِمَا يَطْلُبُ، فَقُلْتُ: إِنَّهُ حَكَّ فِي صَدْرِي المَسْحُ عَلَى الخُفَّيْنِ بَعْدَ الغَائِطِ وَالبَوْلِ، وَكُنْتَ امْرَأً مِنْ أَصْحَابِ النَّبِيِّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، فَجِئْتُ أَسْأَلُكَ: هَلْ سَمِعْتَهُ يَذْكُرُ فِي ذَلِكَ شَيْئًا؟ قَالَ: نَعَمْ، كَانَ يَأْمُرُنَا إِذَا كُنَّا سَفْرًا أَوْ مُسَافِرِينَ أَلَّا نَنْزِعَ خِفَافَنَا ثَلاَثَةَ أَيَّامٍ وَلَيَالِيهِنَّ إِلَّا مِنْ جَنَابَةٍ، لَكِنْ مِنْ غَائِطٍ وَبَوْلٍ وَنَوْمٍ، فَقُلْتُ: هَلْ سَمِعْتَهُ يَذْكُرُ فِي الهَوَى شَيْئًا؟ قَالَ: نَعَمْ، كُنَّا مَعَ النَّبِيِّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فِي سَفَرٍ فَبَيْنَا نَحْنُ عِنْدَهُ إِذْ نَادَاهُ أَعْرَابِيٌّ بِصَوْتٍ لَهُ جَهْوَرِيٍّ: يَا مُحَمَّدُ، فَأَجَابَهُ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ عَلَى نَحْوٍ مِنْ صَوْتِهِ: «هَاؤُمُ» وَقُلْنَا لَهُ: وَيْحَكَ اغْضُضْ مِنْ صَوْتِكَ، فَإِنَّكَ عِنْدَ النَّبِيِّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، وَقَدْ نُهِيتَ عَنْ هَذَا، فَقَالَ: وَاللَّهِ لاَ أَغْضُضُ، قَالَ الأَعْرَابِيُّ: المَرْءُ يُحِبُّ القَوْمَ وَلَمَّا يَلْحَقْ بِهِمْ، قَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «المَرْءُ مَعَ مَنْ أَحَبَّ يَوْمَ القِيَامَةِ»، فَمَا زَالَ يُحَدِّثُنَا حَتَّى ذَكَرَ بَابًا مِنْ قِبَلِ المَغْرِبِ مَسِيرَةُ عَرْضِهِ، أَوْ يَسِيرُ الرَّاكِبُ فِي عَرْضِهِ أَرْبَعِينَ أَوْ سَبْعِينَ عَامًا.
[صحيح] - [رواه الترمذي وابن ماجه وأحمد] - [سنن الترمذي: 3535]
المزيــد ...
Ayon kay Zirr bin Ḥubaysh na nagsabi:
{Pumunta ako kay Ṣafwān bin `Assāl Al-Murādīy, na nagtatanong sa kanya tungkol sa pagpahid sa khuff. Nagsabi siya: "Ano ang naghatid sa iyo, O Zirr?" Nagsabi naman ako: "Dala ng paghahangad ng kaalaman." Kaya nagsabi siya: "Tunay na ang mga anghel ay talagang nagbababa ng mga pakpak nila para sa tagahanap ng kaalaman bilang pagkalugod sa hinahanap niya." Kaya nagsabi ako: "Tunay na bumabagabag sa dibdib ko ang pagpahid sa khuff matapos ng pagdumi at pag-ihi. Ikaw ay isang lalaking kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya pumunta ako na nagtatanong sa iyo. Nakarinig ka kaya sa kanya na bumabanggit siya kaugnay roon ng anuman?" Nagsabi siya: "Oo. Nag-uutos siya sa amin, nang kami minsan ay nasa isang paglalakbay o mga naglalakbay, na huwag kaming mag-alis ng mga khuff namin nang tatlong araw at mga gabi ng mga ito - maliban sa janābah - dahil sa pagdumi, pag-ihi, at pagkatulog." Kaya nagsabi pa ako: "Nakarinig ka kaya sa kanya na bumabanggit siya kaugnay sa pagsinta ng anuman?" Nagsabi siya: "Oo. Kami minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang paglalakbay; saka samantalang kami ay nasa tabi niya, biglang may nanawagan sa kanya na isang Arabeng-disyerto sa isang malakas na tinig niyon: 'O Muḥammad!' Kaya sumagot naman doon ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ayon sa tulad ng tinig niyon: 'Heto ako!' Nagsabi kami roon: 'Ano ka ba naman! Magbaba ka ng tinig mo sapagkat tunay na ikaw ay nasa piling ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Sinaway ka na laban sa ganito.' Nagsabi iyon: 'Sumpa man kay Allāh, hindi ako magbababa ng tinig ko.' Nagsabi ang Arabeng-disyerto [na iyon]: 'Papaano naman] ang taong umiibig sa mga tao at hindi pa siya nakaabot sa kanila?' Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): 'Ang tao ay kasama ng mga iniibig niya sa Araw ng Pagbangon.'" Hindi siya tumigil na nakikipag-usap sa amin hanggang sa bumanggit iyon ng isang pinto sa dako ng kanluran, na ang luwang nito ay distansiya - o lalakbayin ng mangangabayo - ng apatnapu o pitumpung taon."}
[Tumpak] - [رواه الترمذي وابن ماجه وأحمد] - [سنن الترمذي - 3535]
Pumunta si Zirr bin Ḥubaysh kay Ṣafwān bin `Assāl (malugod si Allāh sa kanya), na nagtatanong sa kanya tungkol sa pagpahid sa khuff. Nagsabi si Ṣafwān: "Ano ang naghatid sa iyo, O Zirr?" Nagsabi naman si Zirr: "Dala ng paghahangad ng kaalaman." Kaya nagsabi siya: "Tunay na ang mga anghel ay talagang nagbababa ng mga pakpak nila para sa tagapaghanap ng kaalaman bilang pagkalugod at bilang pagdakila sa ginagawa ng tagahanap ng kaalaman." Kaya nagsabi si Zirr: "Tunay na nag-aatubili sa sarili ko ang pagpahid sa khuff matapos ng pagdumi at pag-ihi. Ikaw ay kabilang sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Pumunta ako na nagtatanong sa iyo: Nakarinig ka kaya sa Propeta na bumabanggit kaugnay roon ng anuman?" Nagsabi si Ṣafwān: "Oo. Nag-uutos siya sa amin, nang kami minsan ay mga naglalakbay, na huwag kaming mag-alis ng mga khuff namin nang tatlong araw at mga gabi ng mga ito dahil sa maliit na ḥadath gaya ng pagdumi, pag-ihi, at pagkatulog, maliban sa janābah sapagkat kinakailangan ang pag-aalis kung gayon." Kaya nagsabi pa si Zirr: "Nakarinig ka kaya sa kanya na bumabanggit siya kaugnay sa pag-ibig ng anuman?" Nagsabi siya: "Oo. Kami minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang paglalakbay; saka samantalang kami ay nasa tabi niya, biglang may nanawagan sa kanya na isang Arabeng-disyerto sa isang mataas na tinig niyon: 'O Muḥammad!' Kaya sumagot naman siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) doon sa isang mataas na tinig na malapit sa tinig niyon: 'Halika!' Nagsabi kami roon: 'Ano ka ba naman! Magbaba ka ng tinig mo sapagkat tunay na ikaw ay nasa piling ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Sinaway ka na laban sa pagtataas ng tinig sa piling niya.' Kaya nagsabi iyon dahil sa kagaspangan niyon: 'Sumpa man kay Allāh, hindi ako magbababa nito.' Nagsabi ang Arabeng-disyerto [na iyon]: 'O Sugo ni Allāh, [papaano naman] ang taong umiibig sa mga taong maayos at hindi siya nakagawa ng tulad sa gawa nila?' Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): 'Ang tao ay kasama ng mga iniibig niya sa Araw ng Pagbangon.'" Nagsabi pa si Zirr: "Hindi tumigil si Ṣafwān na nakikipag-usap sa amin hanggang sa bumanggit ito ng isang pinto ng pagbabalik-loob sa dako ng Shām, na lumikha nito si Allāh sa araw na nilikha Niya ang mga langit at ang lupa, na maglalakbay ang mangangabayo sa luwang nito ng apatnapu o pitumpung taon at hindi ipinipinid hanggang sa sumikat ang araw mula sa kanluran nito."