عَن أَبي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قَالَ: سَمِعْتُ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ:
«تَفْضُلُ صَلاَةُ الجَمِيعِ صَلاَةَ أَحَدِكُمْ وَحْدَهُ، بِخَمْسٍ وَعِشْرِينَ جُزْءًا، وَتَجْتَمِعُ مَلاَئِكَةُ اللَّيْلِ وَمَلاَئِكَةُ النَّهَارِ فِي صَلاَةِ الفَجْرِ» ثُمَّ يَقُولُ أَبُو هُرَيْرَةَ: فَاقْرَءُوا إِنْ شِئْتُمْ: {إِنَّ قُرْآنَ الفَجْرِ كَانَ مَشْهُودًا} [الإسراء: 78].
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 648]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Nakalalamang ang ṣalāh ng pagtitipon sa ṣalāh ng isa sa inyo nang mag-isa ng dalawampu't limang bahagi. Nagtitipon ang mga anghel ng gabi at ang mga anghel ng maghapon sa ṣalāh sa madaling-araw."} Pagkatapos nagsasabi si Abū Hurayrah: "Kaya bigkasin ninyo, kung niloob ninyo (Qur'ān 17:78): {tunay na ang [pagbigkas ng] Qur'ān sa madaling-araw ay laging sinasaksihan [ng mga anghel].}"}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 648]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang gantimpala at ang ganti ng ṣalāh ng lalaki sa isang konggregasyon kasama ng imām ay higit na mainam kaysa sa dalawampu't limang ṣalāh na dinadasal niya nang mag-isa sa bahay niya o kinaroroonan niya. Pagkatapos bumanggit ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga anghel ng gabi at maghapon ay nagtitipon sa ṣalāh sa Fajr. Pagkatapos nagsasabi si Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) habang nagpapasaksi para roon:
"Kaya bigkasin ninyo, kung niloob ninyo: {tunay na ang [pagbigkas ng] Qur'ān sa madaling-araw ay laging sinasaksihan [ng mga anghel].} (Qur'ān 17:78) Ibig sabihin: Tunay na ang ṣalāh sa madaling-araw ay sinasaksihan ng mga anghel ng gabi at mga anghel ng maghapon.