+ -

عن زَيد بن أرْقَم رضي الله عنه : أنه رأى قوما يصلُّون من الضُّحى، فقال: أمَا لقد عَلِموا أن الصلاة في غير هذه السَّاعة أفضل، إن رسول الله صلى الله عليه وسلم ، قال: «صلاة الأَوَّابِين حين تَرْمَضُ الفِصَال».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Zaid bin Arqam:katotohanan na nakita niya ang mga tao na nagdarasal ng Duha` at sinabi niya:Hindi ba nia napag-alaman na ang pagdarasal maliban sa oras na ito ay mas mainam?Katotohanan ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagsabi:Ang dasal ng mga nagsisisi ay [isinasagawa] kapag naiinitan ang mga kamelyong inawat sa pagsuso.))
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Nakita ni Zaid Bin Arqam, malugod si Allah sa kanya-ang ilan sa mga tao na nagdarasal ng Duha` binanggit niya na narinig niya sa Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na nagsabi siya;Ang dasal ng mga nagsisisi ay [isinasagawa] kapag naiinitan ang mga kamelyong inawat sa pagsuso. Na ang ibig sabihin ay:Ang pinaka mainam na oras sa pagdasal ng Duha`ay kapag tumindi sa pagtaas ang araw,Kapag nasusunog ang maliit na babaeng kamelyo dahil sa tindi ng init ng araw sa lupa;At iyan ang oras na kung saan ay nagdarasal ang mga mananampalataya kay Allah pagkataas-taas Niya,mga mapagbalik-loob sa Kanya sa dasal ng Duha`.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish
Paglalahad ng mga salin