عن عائشة رضي الله عنها ، قالت: «إنْ كان رسول الله صلى الله عليه وسلم لَيَدَعُ العمل، وهو يُحِبُّ أن يعملَ به خَشْيَة أن يعملَ به الناس، فَيُفْرَضَ عليهم، وما سَبَّح رسول الله صلى الله عليه وسلم سُبْحَة الضُّحى قَطُّ وإنِّي لَأُسَبِّحُهَا».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Aishah malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi:(( Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay tunay na iniiwan niya ang gawain,at siya ay nasisiyahan na gawin ito,dahil sa takot niya na gawin ito ng mga Tao,gagawin nila itong obligado sa kanila,at hindi nagdasal ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa dasal na Duha (na palagian) kailanman,at tunay na ako ay nagdadasal rito))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Binabanggit ni `Aishah malugod si Allah sa kanya-Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay iniiwan ang mga gawain nito habang siya ay nasisiyahan sa paggawa nito,Upang hindi ito gawin ng mga Tao,mapapahirapan niya sila o di kayay hindi nila ito makakayanan;Pagkatapos ay binabanggit niya-malugod si Allah sa kanya-Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay hindi kailanman nagdasal ng dasal na Duha;At binigyang kahulugan ito ng mga may kaalaman na ito ay pagtanggi sa gawaing Palagian,ibig sabihun ay;Na siya pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagsasagwa ng dasal rito sa ibang mga oras,dahil sa kainaman nito,at iniiwan niya ito sa ibang mga oras,dahil sa pagkatakot gawin itong obligado ng kanyang Ummah ,Tulad ng nabanggit niya-malugod si Allah sa kanya-sa simula ng Hadith.