عن جابر بن عبدالله رضي الله عنهما مرفوعاً: «إن من أحبكم إلي وأقربكم مني مجلساً يوم القيامة أحاسنكم أخلاقاً، وإن أبغضكم إلي وأبعدكم مني يوم القيامة الثرثارون والمتشدقون والمتفيهقون» قالوا: يا رسول الله قد علمنا «الثرثارون والمتشدقون»، فما المتفيهقون؟ قال: «المتكبرون».
[صحيح] - [رواه الترمذي]
المزيــد ...
Ayon kay Jābir bin `Abdillah, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: "Tunay na kabilang sa pinakakaibig-ibig sa inyo para sa Akin at ang pinakamalapit sa inyo mula sa Akin sa upuan sa Araw ng Pagkabuhay ay ang mga pinakamaganda sa inyo sa mga kaasalan. Tunay na ang pinakakasuklam-suklam sa inyo para sa Akin at ang pinakamalayo sa inyo sa Akin sa Araw ng Pagkabuhay ay ang mga madaldal, ang mga mapangalandakan, at ang mga mapagmayabang." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, nalaman na namin [kung ano] ang mga madaldal at ang mga mapangalandakan ngunit ano po ang mga mapagmayabang?" Sinabi niya: "Ang mga mapagmalaki."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy]
Ang sabi niya,, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tunay na KABILANG SA - tumukoy sa BAHAGI NG KABUUAN - pinakakaibig-ibig sa inyo ang pinakamalapit sa inyo sa upuan sa Araw ng Pagkabuhay ay ang mga pinakamaganda sa inyo sa kaasalan sa Tagapaglikha at nilikha. "Tunay na KABILANG SA - tumukoy sa BAHAGI NG KABUUAN RIN - pinakakasuklam-suklam sa inyo, ibig sabihin: pinakakinamumuhian, at pinakamalayo sa inyo sa akin sa kalagayan sa Araw ng Pagkabuhay ay ang marami sa pananalita, ang mga mapangalandakan na nagmamataas sa mga tao sa pananalita niya habang napapanggap ng katatasan at nagdadakila [sa sarili], at ang nagmamalaki sa pananalita niya habang nagpapahayag ng kalamangan daw sa iba sa kanya.