عن عبد الله بن عمرو رضي الله عنهما قال:
لَمْ يَكُنِ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فَاحِشًا وَلَا مُتَفَحِّشًا، وَكَانَ يَقُولُ: «إِنَّ مِنْ خِيَارِكُمْ أَحْسَنَكُمْ أَخْلَاقًا».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 3559]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi:
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi naging mahalay ni nagpapakahalay. Siya noon ay nagsasabi: "Tunay na kabilang sa mga pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamaganda sa inyo sa mga kaasalan."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 3559]
Hindi naging bahagi ng mga kaasalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang pangit na pananalita o ang pangit na gawain at hindi siya noon nagpapakay nito at hindi nananadya nito sapagkat siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay may dakilang kaasalan.
Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon: "Tunay na ang pinakamainam sa inyo sa ganang kay Allāh ay ang pinakamaganda sa inyo sa kaasalan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng nakabubuti, kaaliwalasan ng mukha, pagpigil ng perhuwisyo, pagbabata nito, at pakikihalubilo sa mga tao sa pamamagitan ng karikitan."