عن ابن عباس رضي الله عنهما أن النبي صلى الله عليه وسلم مر عليه حمار قد وُسِمَ في وجهه، فقال:«لعن الله الذي وسمه».
وفي رواية لمسلم أيضا: نهى رسول الله صلى الله عليه وسلم عن الضرب في الوجه، وعن الوسم في الوجه»
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nadaanan ng isang asno na tinatakan sa mukha nito kaya nagsabi siya: "Sumpain ni Allāh ang nagtatak diyan." Sa isang sanaysay ayon kay Imām Muslim din: "Ipinagbawal ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pagsapak sa mukha at ang pagtatak sa mukha."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Nasaad sa ḥadīth na ito ang tiyak na pagbabawal at ang matinding banta sa sinumang nagtatak sa isang hayop sa mukha nito at gayon din ang pagsapak sa mukha. Itinuring nga ito ng mga maalam, kaawaan sila ni Allāh, na kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala. Nagbigay-dahilan ang mga maalam para sa pagbabawal dahil sa ang mukha ay maselan at nagtitipon sa mga kagandahan. Ang mga bahagi nito ay mamahalin, maselan, at pinakamadalas na matalos. Maaaring magpawalang-kabuluhan sa mga ito ang pagsapak sa mukha at maaaring makabawas sa mga ito. Maaaring makasira ito sa mukha. Ang pagsira sa anyo nito ay nakaririmarim dahil ito ay hayag na nakalitaw na hindi maaaring takpan. Kapag sinapak ito, hindi ito naliligtas sa pagkasira kadalasan.