عن كبشة بنت كعب بن مالك -وكانت تحت ابن أبي قتادة-: أن أبا قتادة دخل فسَكَبَتْ له وَضُوءًا، فجاءت هرة فشربت منه، فأصغى لها الإناء حتى شربت، قالت كبشة: فرآني أنظر إليه، فقال: أتعجبين يا ابنة أخي؟ فقلت: نعم، فقال: إن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: «إنها ليست بنجس، إنها من الطوافين عليكم والطوافات».
[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي والنسائي وأحمد والدارمي]
المزيــد ...
Ayon kay Kabshah bint Ka`bin Mālik, at siya noon ay maybahay ni Abū Qatādah: Si Abū Qatādah ay pumasok at nagbuhos siya para sa kanya sa wuḍū'. May dumating na pusa at uminom ito roon. Inihilig niya para rito ang sisidlan hanggang sa nakainom ito. Nagsabi si Kabshah: Kaya nakita niya ako na nakatingin sa kanya at nagsabi siya: Nagtataka ka ba, o anak ng pinsan ko? Nagsabi ako: Oo. Nagsabi siya: Tunay na ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Tunay na ito ay hindi marumi. Tunay na ito ay kabilang sa mga lalaking umiikut-ikot sa inyo at mga babaing umiikut-ikot."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dārimīy]
Nasaad sa ḥadīth na si Abū Qatādah ay nagsimula sa pagsasagawa ng wuḍū’ at may pumasok na pusa. Ang pusa ay pumapasok sa mga bahay at nakikihalo sa mga tao at bumabalik-balik sa kanila. Inihilig niya para rito ang sisidlan ng tubig upang makainom ito mula sa tubig ng wuḍū’ kaya nagtaka si Kabshah, na anak ng pinsan niya, sa ginawa niya. Iyon ay tubig na inihanda para sa wuḍū’at hindi maiiwasang ito ay maging dalisay na ipinandadalisay. Ipinabatid niya rito ang ḥadīth na nagsasabing ang pusa ay hindi marumi at hindi nakaaapekto sa tubig dahil ito ay kabilang sa mga nakikihalo sa mga tao palagi.