+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه :"أنَّ النبي صلى الله عليه وسلم لَقِيَه في بَعض طُرُقِ المدينَة وهو جُنُبٌ، قال: فَانْخَنَسْتُ مِنه، فذهبت فَاغْتَسَلْتُ ثم جِئْتُ، فقال: أين كنت يا أبا هريرة؟ قال: كُنتُ جُنُبًا فَكَرِهتُ أن أُجَالِسَك على غيرِ طَهَارَة، فقال: سبحان الله، إِنَّ المُؤمِنَ لا يَنجُس".
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu-:"Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nakasalubong niya siya sa mga daan sa Madinah,at siya ay nasa kalagayang Junub,Nagsabi siya: Nagtago ako sa kanya,umalis ako at naligo,pagkatapos ay dumating ako [sa kanya],Nagsabi siya: Saan ka galing o Aba Hurayrah?Nagsabi siya:Ako ay nasa kalagayang Junub,kaya kinamunghian kong maupo sa iyo na ako ay wala sa kadalisayan,Sinabi niya:Kaluwalhatian kay Allah,Tunay na ang mananampalataya ay hindi nagiging marumi"
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Nakasalubong ni Abe Hurayrah ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga daan sa Madinah,at nagkataong siya ay nasa kalagayang Junub,at kabilang sa pagdadakila niya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at pagpaparangal niya sa kanya--ay ang pagkamunghi niya na maupo kasama siya at makipag-usap sa kanya,habang siya ay sa ganitong kalagayan.Lumiko siya sa isang taguan mula sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at naligo siya,pagkatapos ay dumating siya sa kanya-Tinanong siya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kung saan siya pumunta-malugod si Allah sa kanya-,Sinabi niya sa kanya ang kalagayan niya,at tunay na siya ay namunghing maupo sa kanya ng wala sa kadalisayan,Namangha ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa kalagayan ni Abe hurayrah-malugod si Allah sa kanya-sa oras na inisip niya ang pagiging marumi [sa kalagayang Junub],at umalis siya upang maligo.At sinabi niya sa kanya:Tunay na ang mananampalataya ay hindi nagiging marumi sa kahit anong kalagayan.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges
Paglalahad ng mga salin