+ -

عن ابن مسعود رضي الله عنه قال: كنا مع رسول الله صلى الله عليه وسلم في سفر، فانطلق لحاجته، فرأينا حُمَّرَةً معها فرخان، فأخذنا فرخيها، فجاءت الحُمَّرَةُ فجعلت تَعْرِشُ فجاء النبي صلى الله عليه وسلم فقال: «من فجع هذه بولدها؟ ردوا ولدها إليها» ورأى قرية نمل قد حرقناها، فقال: «من حَرَّقَ هذه؟» قلنا: نحن قال: «إنه لا ينبغي أن يعذِّب بالنار إلا رب النار».
[صحيح] - [رواه أبو داود]
المزيــد ...

Ayon kay Ibn Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Kami noon ay kasama ng Sugo ni Allah, sa isang paglalakbay. Umalis siya para tugunin ang tawag ng kalikasan niya. Nakakita kami ng isang ibong may dalawang inakay at kinuha namin ang dalawang sisiw nito. Dumating ang ibon at nagsimulang magladlad ng pakpak. Dumating ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagsabi: 'Sino ang nagpadalamhati rito dahil sa anak nito? Ibalik ninyo ang anak nito rito.' Nakakita siya ng nayon ng mga langgam na sinunod namin kaya nagsabi siya: 'Sino ang sumunog nito?' Nagsabi kami: Kami po. Nagsabi siya: 'Tunay na walang nararapat na magparusa sa pamamagitan ng apoy kundi ang Panginoon ng apoy.'"
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]

Ang pagpapaliwanag

Ipinababatid ni Ibnu Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya, na sila noon ay nasa isang paglalakbay kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Pagkatapos ay umalis siya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, upang tugunin ang tawaga ng kalikasan niya. Nakatagpo ang mga kasamahan ng isang ibong maliit na kasama ang dalawang anak nito. Kinuha nila ang dalawang anak nito kaya nagsimulang umaali-aligid ito sa paligid nila, gaya ng nakaugalian. Ang ibon kapag kinuha ang mga anak nito ay humarahang, umaaligid, at sumisigaw dahil sa pananbik sa mga anak nito. Nag-utos ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na pawalan ang dalawang anak nito kaya naman pinawalan nila ang dalawang anak nito. Pagkatapos ay napadaan naman siya sa isang nayon ng mga langgam na sinunog. Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Tunay na walang nararapat na magparusa sa pamamagitan ng apoy kundi ang Panginoon ng apoy." Alinsunod dito, kapag mayroong langgam sa kinaroroonan mo, tunay na ikaw ay hindi magsusunog niyon. Maglalagay ka lamang ng anumang magtataboy rito gaya ng gas na isang uri ng likidong kilalang panggatong. Kapag ibinuhos mo ito sa lupa, ang mga langgam ay lalayo, ayon sa kapahintulutan ni Allah, at hindi babalik. Kapag hindi maiiwasan ang perhuwisyo nito malibang gumamit ng pamatay-kulisap na papatay ng tuluyan sa mga ito, walang masama roon dahil ito ay isang pagtataboy sa mga kapinsalaan ng mga ito. Ito ay gayong ang mga langgam ay kabilang sa ipinagbawal ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na patayin ngunit kapag naman sinaktan ka na nito at walang kang pananggalang maliban pa sa pagpatay rito, walang masamang patayin ito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin