عَنِ ابْنِ عُمَرَ رَضيَ اللهُ عنهما قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«إِذَا جَمَعَ اللهُ الْأَوَّلِينَ وَالْآخِرِينَ يَوْمَ الْقِيَامَةِ يُرْفَعُ لِكُلِّ غَادِرٍ لِوَاءٌ، فَقِيلَ: هَذِهِ غَدْرَةُ فُلَانِ بْنِ فُلَانٍ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 1735]
المزيــد ...
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Kapag nagtipon si Allāh sa mga una at mga huli sa Araw ng Pagbangon, may iaangat para sa bawat traidor na isang watawat saka sasabihin: Ito ay katraiduran ni Polano na anak ni Polano."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 1735]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakataas Siya), kapag nagtipon Siya sa Araw ng Pagbangon, sa mga una at mga huli alang-alang sa pagtutuos, magtitirik para sa bawat taksil na hindi tumupad sa isang kasunduang inobliga sa kanya kay Allāh o sa mga tao ng isang palatandaang magbubunyag sa pamamagitan nito ng kataksilan niya at ipananawagan sa kanya sa araw na iyon: "Ito ay kataksilan ni Polano na anak ni Polano," para sa paglalantad ng kasagwaan ng kagagawan niya, sa mga tao sa Tindigan (Maḥshar).