عَنْ عُمَرَ بْنِ الْخَطَّابِ رضي الله عنه أَنَّهُ اسْتَشَارَ النَّاسَ فِي إمْلاصِ الْمَرْأَةِ، فَقَالَ الْمُغِيرَةُ بْنُ شُعْبَةَ: «شَهِدْت النَّبِيَّ صلى الله عليه وسلم قَضَى فِيهِ بِغُرَّةٍ- عَبْدٍ أَوْ أَمَةٍ- فَقَالَ: ائتني بِمَنْ يَشْهَدُ مَعَك، فَشَهِدَ مَعَهُ مُحَمَّدُ بْنُ مَسْلَمَةَ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya-Tunay na siya ay komunsulta sa mga Tao [tungkol] sa nakunan na babae,Nagsabi si Al-Mugherah bin Shu`bah:((Nasaksihan ko ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na humatol rito ng Aliping-lalaki o babae-Nagsabi siya:Maghanap ka ng kasama mong magsasaksi,at nagsaksi kasama niya si Muhammad bin Maslamah))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Nalaglag ng babae ang anak niya na patay bago sumapit ang kapanganakan nito dahil sa epekto ng mabigat na kasalanan sa kanya.At kabilang sa naka-ugalian ng Makatarungang Khalifah na si `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya-ang komunsulta sa mga kasamahan niya at mga may kaalaman sa kanila sa mga gawain niya at paghahatol niya,At nang malaglag ng babaing ito ang [kanyang] sinapupunan na namatay at hindi kompleto [sa kabuwanan],Naging mahirap para sa kanya ang paghatol sa kabayaran nito.Kaya komunsulta siya sa mga kasamahan ng Propeta,malugod si Allah sa kanila-dahil dito.Sinabi sa kanya ni Al-Mugerah bin Shu`bah, na nasaksihan niya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na humatol sa kabayaran ng sinaapupunan nang "Alipin" lalaki o babae.Kaya`t inibig ni `Umar na pagtibayin ang hatol na ito,na siyang magiging Batas ng Pangkalahatan hanggang sa Araw ng Pagkabuhay,Kaya`t ipinasigurado niya kay Al-Mughera na kumuha ng magsasaksi na magpapatunay na totoo ang sinabi niya at pagkatumpak ng pagbalita niya.Kaya nagsaksi si Muhammad bin Maslamah Al-Ansari sa pagpapatotoo sa nasabi niya.Malugod si Allah sa kanilang lahat.