+ -

عَنْ عَبْدِ اللَّهِ بنِ عُمَرَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُما:
أَنَّ امْرَأَةً وُجِدَتْ فِي بَعْضِ مَغَازِي النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ مَقْتُولَةً، فَأَنْكَرَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَتْلَ النِّسَاءِ وَالصِّبْيَانِ.

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 3014]
المزيــد ...

Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa):
{May isang babaing natagpuan sa isa sa mga pagsalakay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na napatay. Nagmasama ang Sugo ni Allāh sa pagpatay ng mga babae at mga paslit.}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 3014]

Ang pagpapaliwanag

Nakakita ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang babaing napatay sa isa sa mga paglusob. Nagmasama siya sa pagpatay sa mga babae at mga munting paslit na hindi pa umabot sa pagbibinata.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الرومانية Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang sinumang hindi nakipaglaban kabilang sa mga babae, mga paslit, at ang sinumang nasa kahatulan nila gaya ng matatandang hukluban at mga pari, tunay na sila ay hindi pinapatay, hanggat ang mga ito ay hindi naging mga may pagpapasya at pag-alalay sa pakikipaglaban sa mga Muslim sapagkat kung sila ay naging gayon, tunay na sila ay pinapatay.
  2. Ang pagsaway laban sa pagpatay sa mga babae at mga paslit dahil ang mga ito ay hindi nakikipaglaban sa mga Muslim. Ang pinapakay ng pakikibaka sa landas ni Allāh (napakataas Siya) ay ang pagwasak ng lakas ng mga nakikipaglaban lamang, nang sa gayon makarating ang pag-anyaya ng katotohanan sa mga tao sa kalahatan.
  3. Ang awa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kahit sa mga paglusob at mga digmaan.
Ang karagdagan