عَنْ عُمَرَ بْنِ الْخَطَّابِ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«إِنَّ اللهَ عَزَّ وَجَلَّ يَنْهَاكُمْ أَنْ تَحْلِفُوا بِآبَائِكُمْ»، قَالَ عُمَرُ: فَوَاللهِ مَا حَلَفْتُ بِهَا مُنْذُ سَمِعْتُ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ نَهَى عَنْهَا ذَاكِرًا وَلَا آثِرًا.
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 1646]
المزيــد ...
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Tunay na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay sumasaway sa inyo na manumpa kayo sa mga magulang ninyo." Nagsabi si `Umar (malugod si Allāh sa kanya): "Kaya sumpa man kay Allāh, hindi ako sumumpa sa mga ito, magmula ng narinig ko ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sumaway laban sa mga ito, habang bumabanggit ni habang nag-uulat."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 1646]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakataas Siya) ay sumasaway laban sa panunumpa sa mga magulang. Kaya ang sinumang ninais ang manumpa, huwag siyang manumpa kundi kay Allāh at huwag siyang manumpa sa iba pa sa Kanya. Pagkatapos binanggit ni `Umar bin `Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay hindi nanumpa sa mga ito, magmula ng narinig niya ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sumasaway laban doon: hindi habang nananadya ni habang nagpapaabot buhat sa iba pa sa kanya ng panunumpa nito sa iba pa kay Allāh.