عن أبي موسى الأشعري رضي الله عنه قال: «سُئِلَ رَسُولُ الله صلى الله عليه وسلم عَنْ الرَّجُلِ: يُقَاتِلُ شَجَاعَةً، وَيُقَاتِلُ حَمِيَّةً، وَيُقَاتِلُ رِيَاءً، أَيُّ ذَلِكَ فِي سَبِيلِ الله؟ فَقَالَ رَسُولُ الله صلى الله عليه وسلم : مَنْ قَاتَلَ لِتَكُونَ كَلِمَةُ الله هِيَ الْعُلْيَا، فَهُوَ فِي سَبِيلِ الله».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya-siya ay nagsabi: ((Tinanong ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tungkol sa lalaking:Nakikipaglaban sa kanyang katapangan,at nakikipaglaban para sa pagtatanggol,at nakikipaglaban ng pakitang-tao,Saan sa mga ito ang nakikipaglaban sa landas ni Allah?Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sinuman ang makipaglaban upang manaig ang salita ni Allah;siya ang [nakikipaglaban] sa landas ni Allah))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Nagtanong ang lalaki sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tungkol sa lalaking nakikipaglaban sa kalaban ng Islam,Subalit ang dinadala nito sa pakikipaglaban ay upang maipakita ang kanyang katapangan at maging una sa harapan ng mga tao,at ang lalaking nakikipaglaban para sa pagtatanggol sa mga tao niya o bansa niya,at nakikipaglaban ang ikatlo na may pakitang-tao sa harap ng paningin ng mga tao siya ay kasama sa mga nakikibaka para sa landas ni Allah,karapat-dapat na purihin at dakilain.Sino sa kanilang tatlo ang totoong nakikipaglaban para sa landas ni Allah?Sinagot niya ito-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa napaka-ikling parirala na may napakalawak na kahulugan;Ang sinuman ang makipaglaban upang mangibabaw ang salita ni Allah;Siya yaong nakikipaglaban para sa landas ni Allah,At ang maliban dito ay itinuturing na hindi para sa landas ni Allah,dahil siya ay nakipaglaban sa ibang layunin.At ang mga gawain ay nakasalalay sa intensiyon,sa kabutihan nito at sa pagkasira nito.at ito ay para sa pangkalahatan sa lahat ng gawain,ang magiging resulta nito ay batay sa intensiyon,ang kabutihan o kasiraan,at ang patunay sa kahulugang ito ay napakarami.