عن أبي سفيان صخر بن حرب رضي الله عنه قال: قال هِرَقل: فماذا يَأمُرُكُم -يعني: النبي صلى الله عليه وسلم- قال أبو سفيان: قلت: يقول: «اعبدُوا الله وَحدَه لاَ تُشرِكُوا بِهِ شَيئًا، وَاترُكُوا ما يَقُول آبَاؤُكُم، ويَأمُرُنَا بِالصَّلاَة، والصِّدق، والعَفَاف، والصِّلَة».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abē Sufyān Sakhr bin Harb-malugod si Allah sa kanya-Nagsabi si Heraql:Ano ang ipinagtatagubilin Niya sa inyo? Ibig sabihin ay ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi si Abū Sufyān: Sinabi kong: Sinabi Niyang:(( Sambahin ninyo si Allah na Nag-iisa at huwag kayong magtambal sa Kanya kahit sa kaunting bagay lamang,Iwanan ninyo ang anumang sinabi sa inyo ng mga ninuno ninyo,at itinatagubilin niya sa amin ang pagdarasal,pagiging tapat,dalisay,at pakikipag-ugnayan sa mga kamag-anak))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ito ay Hadith ni Abē Sufyān Sakhr bin Harb-malugod si Allah sa kanya-na naging kilala kasama si Heraql.Si Abu Sufyān sa mga oras na yaon ay isang Mushrik [Hindi mananampalataya], sapagkat siya ay hindi pa yumakap sa Islām maliban sa huling panahon, sa pagitan ng Sulh Al-Hudaybiyyah at Pagtagumpay [ng Islam] sa Meccah,Dumating si Abū Sufyān kasama ang mga grupo ng tao mula sa Quraysh,kay Heraql sa Shām,At si Heraql ay ang hari ng mga kristiyano sa mga oras na yaon,at siya ay nakapagbasa sa aklat ng Turah at Ebanghelyo,at nalalaman niya ang mga sina-unang aklat,Isa siyang matalinong hari,at nang marinig niya na si Abē Sufyān at ang mga kasamahan niya ay darating mula sa Hujāj, inimbitahan niya sila.At itinanong niya sa kanila ang tungkol sa kalagayan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang pamilya niya, mga kasamahan niya,at ang [pamamaraan]ng paggalang nila sa kanya,at ang bawat bagay na naaalala niya ay sinasabi nila sa kanya, at nalaman Niya na siya ang Propeta na naipahayag sa kanya sa mga sinaunang aklat,Subalit-Ang pagpapakupkop ay sa Allah-ipinagdamot niya ang kaharian niya at hindi siya yumakap sa Islām, Dahil sa karunungang inibig ng Allah-kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan.At kabilang sa mga itinatanong niya kay Abē Sufyān, ay ang tanong niya kung ano ang ipinagtatagubilin sa kanila ng Propeta-pagapalain siya ni Allah at pangalagaan-Sinabi nito sa kanila na siya ay nagtatagubilin sa kanila na sambahin si Allah at huwag magtamabal sa Kanya kahit sa kaunting bagay lamang,Hindi sila sumasamba maliban sa Allah,Hindi sa mga Anghel at gayundin sa mga Sugo,Hindi sa puno at hindi sa bato,hindi sa araw at hindi sa buwan, at hindi sa maliban pa rito,Ang pagsamba ay para lamang sa Allah na Nag-iisa,at ito ang pag-aanyaya ng mga Sugo,Dumating ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tulad ng ipinarating ng mga Propetang mauna sa kanya na sumasamba sa Allah na Nag-iisa at Walang pagtatambal sa Kanya.At sinabi niyang:" Iwan ninyo ang anumang bagay na nasa mga ninuno ninyo" at ito ay kabilang sa pagbabadya ng Katotohanan,at ang lahat ng mga ninuno na sumasamba sa mga diyus-diyosan, ipinagtagubilin sa kanila ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang pag-iwan nito.At ang mga bagay na matatagpuan sa mga ninuno nila mula sa mga magandang pag-uugali; hindi niya ipinagtagubilin sa kanila na iwanan ito.At ang pagsabi niya:" At siya ay nagtatagubilin sa amin ng pagdarasal" Ang pagdarasal ay pakikipag-ugnayan sa pagitan ng alipin at Panginoon niya,At tunay na kasiguraduhan na ito ay haligi ng Islām pagkatapos ng dalawang pagsasaksi,at dahil rito,ay naiiba ang mananampalataya sa hindi mananampalataya,ito ay kasunduan sa pagitan namin at sa pagitan ng mga sumasamba sa diyus-diyosan at hindi mananampalataya. Tulad ng sinabi ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-:"Ang kasunduan sa pagitan namin at pagitan nila ay ang pagdarasal, sinuman ang mag-iwan nito,tunay na hindi mananampalataya" At ang pagsabi niya:" At siya ay nagtatagubilin sa amin ng pagiging tapat" Ang Propeta-pagpalain siya ninAllah at pangalagaan-ay nagtatagubilin sa kanyang Ummah na maging tapat, at ito ay tulad ng Pagsabi Niya-pagkataas-taas Niya:" O kayong mananampalataya! Katakutan ninyo si Allah, at ibilang ninyo ang inyong mga sarili sa mga matapat"[Attawbah:119],At pagiging matapat ay isang magandang pag-uugali,ito ay nahahati sa dalawang uri: Pagiging matapat sa Allah, at matapat sa alipin ni Allah, at dalawang ito ay kabilang sa marangal na pag-uugali.At ang pagsabi niya" Ang kadalisayan" ibig sabihin ay ang pagdalisay, at ang pagdalisay ay may dalawang uri:Pagdalisay sa pagnanasa ng ari, at pagdalisay mula sa pagnanasa ng tiyan.Ang unang pagdalisay: ito ay ang pag-iwas ng tao sa anumang ipinagbawal sa kanya mula sa panghahalay at sa mga nagiging dahilan nito at nagiging daan nito.At ang pangalawang uri mula sa kadalisayan: ay ang pagdadalisay mula sa pagnanasa ng tiyan,ibig sabihin: mula sa mga kamay ng mga tao.at ang pagdadalisay mula panghihingi sa kanila,na kung saan ay hindi dapat humingi ang isang tao ng anumang bagay,Dahil ang paghingi ay isang kahihiyan. At ang taong nanghihingi, ang kamay niya ay nasa ibaba,nasa ilalim, samantalang ang nagbibigay, ang kanyang kamay ay nasa itaas, Kaya hindi ipinapahintulot na himingi ka sa isang tao maliban kung ito ay nararapat. At ang ikalima, Ang pagkasabi niya ng:"Ang pakikipag-ugnayan sa mga Kamag-anak": ito ay ang pakikipag-ugnayan ng tao sa anumang ipinagtagubilin sa Kanya ni Allah, na makipag-ugnayan siya sa mga malapit na kamag-anak at [ang sumusunod ] na malapit rito. Ang pinakamataas sa kanila ay ang magulang,sapagkat ang pakikipag-ugnayan sa pakikipag-ugnayan sa kanila ay kabutihan at pakikipag-ugnay.At ang mga mag-anak ay may karapatan sa pakikipag-ugnayan,batay sa anumang uri ng pagiging malapit sa kanila.Ang kapatid ay higit na karapat-dapat sa pakikipag-ugnayan mula sa tiyuhin.at ang tiyuhin ay higit na karapat-dapat sa pakikipag-ugnayan mula sa tiyuhin ng ama. At ang pakikipag-ugnayan sa Kamay-anak ay nakakamit sa bawat pagkilala sa kanya ng mga tao